****
KRISTINA
Kontodo ngiti ako habang iginagala ang mga mata ko sa arcade. Bumili ako ng card na may pinakamaraming load. Lalaruin ko lahat. Ngayon lang ulit ako nakapunta dito kaya susulitin ko na. Mag-iipon ako ng maraming tickets para ma-claim ko yung pinakamalaking stuff toy.
Lumapit ako sa isang photo booth at nagpicture muna. Siyempre dapat may remembrance. Pagkatapos ay pinuntahan ko ang isang mini bowling lane. Yun ang una kong nakitang bakante kaya iyon muna ang nilaro ko. Bago ko hawakan ang bola ay pansamantala akong natigilan.
Lumingon ako sa paligid para magbaka sakaling makita ko si labsey. Wala talaga, totoo ngang may meeting. Idinaan niya lang ako rito at nagmadali ring umalis.
Bigla akong nakonsensiya. Nagtatrabaho ang amo ko samantalang ako heto naglalaro't nag-eenjoy. Nagdalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba ang paglalaro o sundan ko na lang siya.
Napangiwi ako.
Bakit ba ako magiguilty? Bayad niya to no! Siya etong nag-offer kaya ba't ko naman tatanggihan.
Tama. I still feel bad about him kissing me in replacement of other girl. Unintentional or not, may kasalanan siya sa akin. Siguro dapat ko munang kalimutan ang pagiging good employee ko. Kailangan kong maibuhos lahat ng sama ng loob ko sa paglalaro para pagkatapos ay medyo gumaan na ulit ang pakikitungo ko sa malandi kong amo na yun!
I decided to continue playing. Sa umpisa ay medyo nahahaluan pa rin ng inis ang aking dibdib sa tuwing naalala ko ang ginawa ni labsey. Mas tumatak kasi sa akin ang pagkainsulto kesa sa sweetness ng letseng first kiss na yan.
Gigil na itinapon ko ang bola sa lane.
Boom strike! Yes!
Unti-unti na ulit akong nag-ienjoy hanggang sa tuluyan ko nang makalimutan ang inis ko sa isang tao. I tried a lot of games and whenever Atty. Perez barges inside my head, I quickly shrug it off. To retain my better mood, iniisip ko na lang na may aso ako mamaya.
"Talo kayo! Talo kayo!"
Naagaw ang aking pansin ng grupo ng magbabarkada sa hilera ng basketball game. Masyado silang masaya kaya na-engganyo akong maglaro na rin doon. Lumapit ako sa isang bakanteng hooping machine na nasa tabi nila. They were composed of three couples who seems to be on a group date. Sa palagay ko mga college students because some were still in uniforms.
Sumubok akong mag-shoot subalit lahat mintis hanggang sa napikon ako't napalakas ang tapon ko sa board.
"Hays ang hirap naman nito! Anong nakakatuwa sa game na to!"
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.