****
KRISTINA
Gusto kong maiyak sa dalawang kadahilanan. Una, nasa bingit na ako ng pagtanggap ng katotohanang mananatili na lamang akong supporting role sa love story ng labsey ko. Sa nakikita ko kasi, seryoso talaga siya sa sinabi niyang age requirement. Kailangan ba talaga five years lang yung gap? Aish! Bakit ba kasi masyado akong late pinanganak?! Sana kahit six years man lang o seven years late para may chance i-apela. Pero malayo eh, ten years! Times two ng requirement niya.
Kaya pala pakiramdamdam ko hindi niya masyadong sineseryoso ang mga sinasabi ko dahil bata lang ang trato niya sa akin. Kahit pa siguro magdagdag pa ang edad ko, mananatili pa ring bata ang tingin niya sa akin dahil sa magkaibang level of maturity namin. I will never be his partner. I'm just his lovelife assistant!
Ang ikalawang ikinalulungkot ko ay ang mga nalaman ko mula sa aking masusing pagsasaliksik tungkol sa past lovelife ni labsey. Nakakalungkot.... yung si Ms. Yamzon pinagtaksilan siya tapos si Atty. Calderon mas piniling makatuluyan ang naging mahigpit niyang karibal sa puso nito. Ang masakit dun iisang lalaki ang naging ka-affair ni Ms. Yamzon at ang napangasawa ni Atty. Calderon. Ang heavy drama! Naku kung sino man ang lalaking yun humanda siya sa akin! Hinding-hindi ko siya irerespeto. Anong meron siya para maging dahilan ng naging pagdurusa ng mahal ko?!
Naiintindihan ko na ngayon kung bakit masyadong mapili at hirap ng magseryoso si attorney sa mga babae. Natatakot na siguro itong masaktan ulit ng matindi. Kaya nga kailangan ko talagang manalo sa pustahan namin. Pahahabain ko pa ang panahon ng pananatili ko sa tabi niya. He may not see me as woman but I still want to be by his side to cheer him up. Higit sa lahat, I'll do my job well para maihanap ko siya ng babaeng deserves niya. Yung hindi siya sasaktan, mamahalin siya ng buong-buo at hinding-hindi siya iiwanan.
Ano ba yan! Naluluha na ako sa mga iniisip ko. Ganito yata talaga. This is love ika nga, wala kang mas higit pang gugustuhin kundi ang maging masaya ang taong mahal mo kahit na ang kapalit nito'y pagsasakrispisyo sa totoong nararamdaman mo para sa kanya.
"Miss andito na tayo sa building na sinasabi mo."
Naputol ang pag-eemote ko nang magsalita ang taxi driver. I looked outside the window and looked up. Eto na nga yung building. Pinahid ko muna ng likuran ng aking kamay ang nangingilid kong mga luha. Suminghot ako at saka tumingin sa metro ng taxi. Nanlaki ang aking mga mata. Five hundred thirty pesos!
"Manong bakit umabot ng ganyan kalaki ang metro? Hindi naman ganun kalayo ang pinanggalingan ko ah? Pag nagtataxi nga ako mula Ayala hanggang Marikina umaabot lang ng mahigit dalawang daan ang binabayad ko," nakasimangot na reklamo ko.
"Magkasinglayo lang yan sa Marikina papuntang The Fort. Tsaka isa pa halos dalawang oras tayong natrapik. Di mo ata namamalayan dahil mukhang kanina ka pa nag-iisip ng malalim! Pasalamat ka nga eh isinakay pa kita kahit alam kong matrapik ang pupuntahan mo!" matapang na depensa ng driver.
Bigla akong kinabahan nang makita ko ang matatalim na tingin sa akin ng driver. Hindi na ako umapela kahit alam kong dinadaya niya talaga ako. "Ah eh ganun ho ba. Sige ho babayaran ko na."
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.