KRISTINA
Excited ngunit nininerbiyos ako sa aking pagbabalik sa firm. Pinauna ko nang pumasok si Tita Rose sa loob para kasing pinanginginigan ako ng mga tuhod. Di ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa lahat ang biglaan kong pagkawala.
"Ano tatambay ka na lang ba diyan sa hallway?" Binalikan ako ni Tita Rose.
"Eh kinakabahan pa po ako. Una na kayo hinga lang muna akong malalim ng mga sampung beses."
"Sige malapit nang mag-office hours kaya huwag kang duduwag-duwag diyan. Baka sa unang araw ng pagbabalik mo ay late ka kaagad."
"Opo. Susunod din po agad ako."
May dala uli akong resume kasama nito ay ang maiksing explanation letter kung bakit hindi ako pormal na nagkapagpaalam dati. Kahit pa si Labsey ang may-ari nitong firm di ko naman pwedeng paghaluin ang personal sa trabaho. Kailangan ko pa ring sumunod sa tamang protocol. Dahil bigla na lang akong nag-awol natural lamang na dapat ulit akong mag-apply. Kinakabahan ako na haraping muli si Mrs. Ferrer baka sumbatan niya ako sa biglaan kong pagkawala.
Nakatungong pumasok ako sa loob nang may maingat na mga hakbang.
"Hi Tintin!" masayang bati agad sa akin ng una kong nadaanang mesa.
"H-Hi!" nahihiyang kaway ko.
"Welcome back Ms. Bartolome!" masiglang ika naman ng isa kong nakasalubong.
"T-Thank you," napapalunok na sagot ko. Nagi-guilty ako. Ramdam ko kasing may pagkaunfair naman sa kanila na basta-basta na lang akong babalik na para bang wala akong nagawang pagkakamali.
Binilisan ko ang aking mga hakbang upang makarating agad sa desk ni Ms. Ferrer. I was nervous, same feelings nung una akong nag-apply dito. She looked at me with poker face while I smiled awkwardly.
"Good morning Ms. Ferrer!"
"Good to see you again Kristina," seryosong sagot niya.
I remained standing in front of her.
"Maupo ka," she gestured to the chair.
"S-Salamat ho."
I looked around. May nakita akong pangilan-ngilang mga matang nakatingin sa akin. I knew Labsey wasn't around yet dahil may diretsong meeting ito sa labas. Kiming inabot ko ang aking resume at sulat kay Ms. Ferrer.
"M-Mag-aapply po sana ako ulit."
"Really? I thought you didn't enjoy working here kaya bigla ka na lamang nawala."
"Pasensiya na ho. Eto po may sulat po ako. Pinaliwanag ko ho diyan ang mga nangyari."
Kinuha niya sa ibabaw ng mesa ang resume at sulat ko. Binasa niya ito nang mabilisan sabay tingin niya sa akin ng walang reaksiyon ang mukha.
"Okay. Tanggap ka na ulit."
"Ho? W-Wala na hong tanong-tanong?" gulat na sambit ko.
"Kailangan pa ba yun? Alangan namang i-reject kita. Di ako naman ang natanggal sa trabaho kapag di ko tinanggap ang girlfriend ng boss ko?"
Bigla akong napatikom ng bibig. Paano niya nalaman na kami na labsey? Kabilin-bilinan ko na palipasin muna ang ilang linggo bago ito ipaalam sa opisina. I still need some time to prove the entire office na kaya ako bumabalik para magtrabaho nang maayos. I want them to respect me because I'm eager to do my job at hindi lamang dahil sa girlfriend ako ng may-ari.
"P-Paano niyo po nalaman?" Tumingin ako kay Tita Rose.
"Hindi ako!" mabilis na sagot ng aking tiyahin.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.