Chapter 35

74.2K 2.2K 342
                                    


LANCE

Ilang oras ko nang hindi nakikita si Tintin sa kanyang desk. It's been three hours since I arrived from the meeting pero ni anino niya ay hindi ko pa rin nasisilayan.

I want to see her badly. My mother confessed to me that she privately talked with her and basta na lang itong isinama sa pagsa-shopping. She told me she didn't do anything wrong pero diskumpyado pa rin ako. That's why I want to see the reaction of Tintin kung dapat ba akong maniwala o hindi sa aking ina.

Nadine entered my office and put some files on my table. Nagdalawang-isip ako kung tatanungin ko ba siya. Though maingat na ako sa aking mga kilos para makaiwas sa mga walang saysay na tsismis, but three hours is too much para mawala si Tintin sa mga paningin ko dito sa loob ng opisina.

Tumikhim muna ako saka patay malisyang nagsalita. "Nadine inutusan niyo ba sa labas si Ms. Bartolome?"

"Huh?" Bigla siyang nagulat sa tanong ko. "Hindi niyo ba alam na absent si Tintin ngayon?"

Agad akong napakunot ng noo. "Absent? W-Why?"

"Di po ba nagpaalam sa inyo? Ang dinig ko kay Mrs. Dakdak ay biglaang umuwi ng probinsiya."

Parang humampas ng malakas sa tenga ko ang sagot niya. 

"W-What did you just say?" paninigurado ko kung tama ba ang pagkakaintindi ko.

"Umuwi ng probinsiya si Tintin," walang kagatol-gatol na ulit ni Nadine

Bigla akong napatayo. Nagmamadali akong humakbang patungo sa mesa ni Mrs. Dakdak habang ramdam ko ang unti-unting pagkabog ng aking dibdib.

"M-Mrs. Dakdak is it true that Tintin went back to the province?" bagamat kabado at natataranta ay pinanatili ko pa rin ang magalang na tono.

Tumayo agad ang aking kausap at tila medyo nababahala din itong humarap sa akin. "Ah-eh oho attorney. Balak ko sanang sabihin sa inyo pag-uwian na para di maistorbo ang trabaho niyo-"

"Ano bang nangyari? Is it emergency?" di makapaghintay na tanong ko.

"H-Hindi ko rin ho alam eh. Kaninang umaga ay namalayan ko na lang na wala na pala siya sa bahay. Nag-iwan na lang ng note sa mesa na uuwi daw muna siya ng Cagayan..."

"Walang sinabing dahilan?" panic ko.

Matamlay ang mukhang sumagot ng iling ang aking kausap.

"Kelan daw siya babalik?"

"Wala rin hong sinabi."

Mabilis kong nilabas ang aking cellphone ngunit pinigilan din kaagad ako ni Mrs. Dakdak. 

"Eh... attorney huwag na ho kayong mag-attempt tumawag. Naiwan ni Tintin yung cellphone niya. Sa pagmamadali siguro."

I took a deep sigh. Matinding pagkadismaya ang aking naramdaman. I couldn't calm down. Gumana kaagad ang aking utak sa pag-iisip ng mga posibleng dahilan ng pag-uwi niya. 

"Did something unusual happen yesterday?" tanong ko ulit kay Mrs. Dakdak.

"Wala namang nangyari maliban sa pag-alis nila ni Madam."

Bigla akong kinutuban. I couldn't think of any possible reason too. Siguro nga ay may kinalaman sa pag-alis niya ang pagkikita nila ni Mom.

Di mapakaling bumalik ako sa aking opisina. Nanghihina ako naupo sa aking desk at pagkuway tinawagan ko ang aking ina.

"Mom, tell me the truth. What exactly happened between  you and Kristina yesterday?" seryosong-seryosong tanong ko.

"Iho sinabi ko naman sayong wala akong ginawang hindi maganda. Nag-shopping lang kami. Gusto ko lang malaman kung materialistic ba siya o ano and as I said, I was thankful that she's not. I offered to buy her bags, shoes or any clothes she wanted... pero tumanggi siya. Sinubukan ko din lang sukatin ang level ng fashion sense niya. Kaya lang wala siyang bukambibig kundi mga rubber shoes, sneakers, maong, t-shirts... h-hindi ako makarelate kaya ibinalik ko na rin siya kaagad sa firm. After that wala na."

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon