Chapter 7

77.5K 2.2K 162
                                    


                                                          ****

LANCE

Seryoso akong nagtatrabaho sa aking mesa nang biglang pumasok sa akong opisina si Ms. Bartolome nang wala man lang pasintabi. Problemadong-problemado ang mukha nito. Although her lack of manner starts to annoy me again, I chose to ignore it.  Kung papatulan ko ang pabugso-bugsong pagka disibilisado nito baka sa loob ng dalawang buwang pagtatrabaho nito ay ilang taon ang itanda ko.

Kalmado at puno ng pasensiyang hinintay ko ang sasabihin niya habang tuloy lamang sa aking tinatype sa laptop. Subalit sa halip na mga salita, panay buntong-hininga lamang ang mga naririnig ko.

"Pumasok ka ng opisina ng boss mo nang wala man lang simpleng katok o pasabi, so I presume na ang sasabihin mo ay matter of life and death," kaswal at di nakatinging sabi ko.

Nakarinig ulit ako ng isang napakalalim na buntong-hininga.

"A-Attorney..."

"Say it fast. Can't you see I'm busy?"

"Attorney!" biglang paglakas ng boses nito sanhi para mapaigtad ako. "Di ba sabi ko sa inyo kagabi na mag-ingat kayo sa mga kilos niyo pero hindi kayo nakinig?!" Napapapiksi pang sabi nito.

Bigla akong natigilan sa aking ginagawa. Nakataas ang kilay na tiningnan ko ang nakasimangot na babae. Tama ba ang pakinig ko na tinaasan niya ako ng boses?

I crossed my legs, leaned comfortably on my chair and rested my left elbow on the table. "What are you talking about?" I asked while looking slit-eyed on this childlike lady.

"Si-Attorney! Nakalimutan niyo na ba ang paalala ko sa inyo na mag-iingat kayo dahil nagsinungaling tayo kay Ms. Zamora?"

"Yeah I remember."

"Ganun naman pala eh bakit pumunta pa kayo ng bar pagkatapos ng date niyo? Sabi ko sa inyo baka nasa tabi-tabi lang ang karma. Ayan tuloy kinarma agad kayo! Tumawag sa akin si Ms. Zamora. Nakita daw kayo ng bestfriend niya na nasa bar at wala naman pala kayo sa airport."

"So?" kunot noong sabi ko.

"Attorney!  Siyempre nagalit yung tao. Pinagbintangan niya kayong sinungaling!" Pinandilatan niya ako.

Natawa ako sa reaksiyon ng isip-bata kong kausap. Para itong estudyanteng naninisi ng kaklase dahil napagalitan ng teacher. Since she irritated me for a moment I guess it's my chance to annoy her too.

"I don't care whether she's angry or not," I said shrugging.

"Eh pano naman po pag nagalit yung Daddy niyo?" mataas pa rin ang tonong sagot nito.

"All he asked from me was to go on a blind date with that woman at tinupad ko na yun," kalmadong sagot ko at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa sa laptop.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon