Chapter 19

88.5K 2.7K 667
                                    

                                               

                                          *****

LANCE 

Mahigpit ang hawak ko sa manibela at tiim bagang nakatingin sa daan. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang mga ngiti ni Ms. Bartolome habang kausap nito si Pierce. I had no reason to get upset but undeniably, there was something inside me na nag-alboroto. It seemed like he was trying to invade my territory again.

I have no lingering hatred with Pierce and he is one of my closest friends now. Pero nung makita ko silang masayang nag-uusap, tila sa isang iglap lamang ay nagbalik lahat ng mga kinalimutan ko nang nakaraan... And I'm hating myself for that! I was impulsive and being unreasonable earlier. Ni hindi ko man lamang nabati nang maiigi ang mag-asawa.

Fuck! I'm jealous! I'm fucking jealous because of this country girl! 

What the heck just happened to my standard? Ni isang katangian yata sa ideal woman ko ay walang taglay ang babaeng ito! Why the hell am I unconciously falling for her? She has charm I'm not even capable of describing.

"Attorney sinamantala niyo po ba ang pagkakataon kanina na makapag-confess kay Ms. Hannah?" Kristina intruded.

I looked at her grinning face. Mas nadagdagan ang inis ko. Ngingiti-ngiti lamang siya samantalang heto ako't lihim na nagngingitngit sa aking sarili. Lalo pa't pinagtutulakan niya ako sa ibang babae for her own benefits. How clueless and insensitive?!

The traffic light gone red so I had the chance to stare at her beaming face. Unti-unti akong inusig ng aking konsensiya sa palihim na pagdamay ko sa kanya sa aking pagkairita. It was never her fault kung nahuhulog man ako sa kanya. She didn't do anything except by being herself. Besides, bakit ako magrereklamo kung ipagtulakan niya ako kay Hannah? I was the one who gave her the job. And I was the one who created the betting game. Badly, the game bounces back on me.

Mukhang kinakarma ako for not giving her a chance to have a decent work in the firm. I kept her beside me kaya ang kinahantungan ay eto.

"I didn't confess and I can't tell anymore kung magtatapat pa ba ako," diretsong sabi ko.

Nadismaya ito sa narinig.

"Why are you sad? Akala ko ba nakamove-on ka na sa pustahan natin? Nakapag-apply ka na nga sa iba di ba?" may kasarkastikuhang tono ko na mukhang wala namang epekto sa aking kausap.

"Siyempre hangga't hindi natatapos ang two months ko, umaasa pa rin ako. Mas gusto ko pa rin kasing magtrabaho sa inyo," malungkot na paliwanag nito.

Tila may sumiko sa puso ko dahilan para bumilis ang pintig nito. Unti-unting nabura ang lahat ng mga kinikimkim kong inis sa sarili.

"Do you still want working with me? Mas pipiliin mo pa rin ba ako kung ang gwapong-gwapong Sir Pierce mo na ang nag-offer sayo ng trabaho?"

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon