Chapter 9

72.8K 2.2K 145
                                    

 

                                               *****

LANCE

Tumigil ako sa paglalakad at nagdalawang-isip sa pagpasok sa building ng aking firm. Nilingon ko ang isang malapit at kahilerang coffee shop.

Biglang sumagi sa aking isipan si Ms. Bartolome. Nanggaling na ako sa client meeting and spent two hours there. Inaasahan ko na nasa opisina na ang nasabing empleyada. I wonder what happened to her.  Did she had her lunch? Did she take a cab or a bus? O baka naman sa pagtitipid ay naglakad lang ito?

"Tchh. Such a troublesome girl!" I snapped.

Pinababa ko siya ng kotse dahil gusto kong ma-realize niya ang mga maling sinabi niya. I wanted to teach her to be more civilized. On how to behave properly and professionally infront of her superior. What if kung hindi ako ang kausap and yet she still talks that way? I wasn't offended by her words pero kung asal ang pagbabasehan it wasn't right to talk so casually about a person's sensitive past lalo na't nakatataas sayo ang kausap mo. 

However, after two minutes of driving I was hit by my conscience. Binalikan ko siya pero wala na siya sa kung saan ko siya iniwan. I realized that maybe my method was a bit harsh. Nagulat rin ako sa sarili ko kung bakit ko siya pinatulan or bakit ko siya pinag-aaksayahan ng oras para disiplinahin. Well, let me say I still have remnants of my old compassionate self.  Ms. Bartolome is a kind and cheerful girl. Pero sa tuwing nasasaksihan ko ang pagiging inosente, insensitive at naive niya sa maraming bagay... it annoys me. Because I have this feeling na ito ang magiging dahilan para mapahamak at masaktan siya pagdating ng araw. Just like what happened to me. I used to avoid people like her because I don't want to be reminded by my old self.

I diverted my attention from the coffee shop to my cellphone. Alinlangan akong nagdayal at tinawagan si Nadine.

"Nadine-"

"Y-Yes Att-"

"Magkunwari kang hindi ako ang kausap mo," mabilis kong utos.

"Aah-eh...okay. O ano yun? Napatawag ka!" pagkukunwari ng sekretarya na napalakas naman masyado ang boses kaya bigla kung nailayo ang cellphone sa aking tenga.

Tumikhim ako at pormal ang mukhang nagsalita as if the person in the other line could see me. "Is that kiddo already there?"

"K-Kiddo?"

"I mean..Ms. Bartolome." I clarified.

"Y-Yes."

"Kanina pa ba siya diyan?"

"Almost an hour ago."

"Anong ginagawa niya?"

"Wala naman masyado aside sa maya't mayang pagtayo para lumapit sa water dispenser at uminom ng tubig. Mukhang latang-lata siya..... Ano po ba ang nangyari?" bulong nito.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon