KRISTINA
Nagmamaktol ako sa kuwarto. Si Tita Rose kasi ang labong kausap. Hindi naman tinupad yung sinabi niyang pwede akong makipag date kay labsey pag weekend. Kagabi di niya ako pinayagan, eh biyernes naman! Ilang araw kong hinintay itong weekend na ito tapos nganga din naman pala! Kainis!
Tok. Tok.
"Tintin!" dinig kong sigaw ni Tita.
"Bukas ho yan!" sagot ko sabay dantay sa unan.
I rolled over to my left, tumalikod ako sa pintuan. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha at pinag-igihan ang pagtatamlay-tamlayan.
"Anong oras na? Bumangon ka na diyan!" aniya.
"Masama ang pakiramdam ko," mahina't nagsasakit-sakitang salita ko nang di tinatanggal ang unan sa aking mukha.
"Bumangon ka na sabi diyan! May lakad tayo," di naniniwalang sagot niya.
Kunwa'y umubo ako ng malakas. "S-Saan?"
"Sa bahay nina Attorney Perez."
Bigla akong napabalikwas ng bangon. Namimilog ang mga matang tiningnan ko si Tita Rose. "Anong gagawin natin sa condo niya?" pinipigilang ngumiting tanong ko.
"Hindi tayo sa condo niya pupunta, sa mismong bahay ng pamilya niya."
"Talaga!" masaya munang bulalas ko hanggang sa unti-unti akong kinabahan. "T-Teka lang Tita? Anong gagawin natin dun? Ipapakilala niyo na ba ako sa mga magiging in-laws ko? Hindi pa ako handa!"
Kinutusan ako ni Tita. "Uhm! Anong in-laws? Bakit kayo na ba?!"
"Hindi pa," nakahawak sa ulong sabi ko. "Anong gagawin natin dun kung hindi niyo naman pala ako ipapakilala?" nakangiwing taka ko.
"May party. Wedding anniversary nina Congressman Perez," diretsong sagot niya.
nangislap ang aking mga mata. "Invited tayo?!"
"Taon-taon naman ay lagi kaming naroroon ni Tito Bert mo. Isasama na kita ngayon tutal humaling na humaling ka diyan sa amo natin. Para makilala mo at malaman mo kung anong klaseng pamilya at kung anong uring mga kaibigan ang nakapaligid diyan sa taong gusto mong papasukin sa buhay mo."
Mabilis akong tumayo. Tarantang inayos ko ang aking pinaghigaan. "Alis na po ba tayo? Ngayon na po ba?!"
Namewang si Tita Rose at nakangusong tinitigan ako. "Oh akala ko ba masama ang pakiramdam mo?"
Patay malisyang nag-inat inat ako ng braso't leeg. "Kulang lang ho siguro sa exercise."
"Naku Kristina! Ikaw talaga basta pagdating kay attorney nawawala agad ang lapot ng dugo mo!" ngiwi niya.
"Eh anong oras po ba talaga tayo aalis?"
"Mga alas-dos."
"Ano susuotin ko? Formal, cocktail, gown, filipiniana o tribal?"
"Simple lang," madiing sagot niya. " Huwag ka nang mag-effort magpaganda."
Lumukot ang hilatsa ng aking mukha. "Bakit naman ho? Eh di ba party yung pupuntahan natin?"
"Ah basta huwag ka nang maraming tanong! Hindi mo kailangang magbihis ng magarbo dahil kahit anong bihis mo balewala din lang yan kapag may tumabi na sayong bisita na sa alahas pa lang ay masisilaw ka na. Basta malinis at maayos yun ang importante," pairap na paliwanag niya.
Di na ako dumugtong pa at hinayaan na siyang iwan ako sa kwarto. Pagkaalis niya ay nagmamadaling lumapit ako sa aking damitan. Naghanap agad ako ng matinong damit, yung pasok sa sabi ni Tita na simple ngunit maayos tingnan. I couldn't choose from the dresses na binili sa akin before ni labsey. They were too fancy to be simple.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.