"Ma-curious ka naman sa buhay ng iba, specifically, sa akin."
Days flew so fast. It was already Wednesday and every single day that passes, sunod-sunod na ang mga tasks na pinapagawa ng mga teachers namin since malapit na rin ang exam namin tapos idagdag pa yung task ko sa student org. Hindi naman ako nangangarag kasi sanay naman ako na marami akong ginagawa.
Kagaya ngayon.
Kakatapos lang ng klase namin ngayong hapon at imbes na umuwi na ako ng bahay kasabay si Bobbie, heto ako sa library. Nagte-take ng notes para sa lesson namin sa Social Studies. Hindi kasi habit ni Bobbie na mag-aral sa library dahil mas gusto niya raw ang ambiance sa study room sa bahay tsaka hindi niya rin ugaling mag-advance reading.
Kaya mag-isa ako rito.
I was mumbling the words I read in the book as I write it on my yellow pad when someone sat on the vacant seat across mine.
Abala ako sa pagsusulat kaya binalewala ko na lang kung sino man yun. Huwag niya lang talaga akong guguluhin kasi kailangan ko na rin talagang matapos ng maagap, ayoko naman maghapunan si Bobbie mag-isa.
"Nice penmanship."
Napaangat ako ng tingin at bumungad sa'kin ang nakangiting si Timothy. Ano nanaman problema nito?
"Ginagawa mo rito?" Tanong ko at saglit na inayos yung salamin ko bago ko ibalik ang tingin ko sa sinusulat ko.
"Ano bang ginagawa sa library?" Sarkastiko niyang tanong. "Malamang mag-aaral."
"Wow," I exhaled. "The playful Timothy knows how to study. I wasn't informed," I shot back, looking at him.
"How can you be informed? Kinakausap mo ba ako ng matino?" He stared back.
"Kinakausap mo rin ba ako ng matino?" I raised my eyebrows as I asked him back. Nang hindi siya makasagot, muli kong ibinalik ang sarili ko sa pagsusulat. "Why are you even here anyway?"
Hindi siya ulit sumagot. I glanced at him, only to see that he's already facing his Filipino book. By how his brows are furrowed, it looks like he's reading something.
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Pwede naman pala siyang tumahimik, bakit kailangan niya munang mang-asar?
Ilang minuto ang lumipas hanggang sa naging oras na tahimik lang kaming nag-aaral ni Timothy. It even feels like I'm still studying alone pero hindi pala dahil tahimik si Timothy.
He's asleep.
Nakatagilid yung ulo niya habang nakaharap sa librong ngayon ay nakasara na.
He looks peaceful and I found myself staring at him.
Napatigil lang ako nang biglang tumunog ang bell ng library, it was a sign na magsasara na ang library.
Maingat kong niligpit yung mga gamit ko sa table habang si Timothy, tulog na tulog pa rin. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya gigisingin, parang ang hirap naman kasi niyang istorbohin with that kind of look.
Napabuntong hininga na lang ako. I carried my backpack as I walk towards him, umupo ako sa katabing upuan kung saan siya nakaharap. Dahan-dahan kong kinuha yung librong hawak niya, inayos ko na rin yung mga nakakalat niyang gamit.
When I was done packing his stuff at tanging siya na lang yung naiwan sa table, I finally had the urge to tap his shoulder.
"Timothy," I called. "Timothy," I repeated, slightly shaking his shoulders.
He wasn't moving. Ang hirap naman nito gisingin. I sighed deeply.
"Odi, wake up," I said, louder this time.
BINABASA MO ANG
Holding On With Maybe (Holding On Series #2)
Teen FictionHOLDING ON TRILOGY (Series 2 of 3) Between being saved and being the savior, Grace Alyson would rather choose to be the savior. She doesn't need anyone because her choice is always firm, it is to refuse to be saved and that at the end of the day...
