"And that hurricane never fails, right?"
I woke up alone in the backseat.
Nakahiga na ako ng maayos at agad akong bumangon nang maramdaman kong umaandar yung sasakyan. I thought I was dreaming, so I removed my eyeglasses, rubbed my eyes, and after that, I started to look around.
Wait... Timothy's driving?
He may have felt my presence because his eyes went to the rear-view mirror. Our eyes met there, pero agad niya rin binawi yung tingin niya roon. Hindi na ako nagtanong sa kanya kung saan kami papunta dahil bigla siyang lumiko at nag-park sa parking area ng isang fast food chain.
Agad siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Napayakap pa ako sarili ko dahil sa lamig ng paligid, anong oras na rin kasi. Napunta ang atensyon ko kay Timothy nang hubarin niya yung suot niyang sweater at iniabot sa akin.
"Huwag na," tanggi ko pa.
"Isuot mo na, hindi naman ako nilalamig," aniya.
Nakatitig siya sa mga mata ko. Hindi ko alam pero parang naging bato na yata ako dahil hindi ako makakibo at naramdaman ko na lang na siya na ang nagsuot nun sa'kin. Hinayaan ko lang siya hanggang sa isaklob niya sa ulo ko yung hood.
Natakpan yung mukha ko dahil sa ginawa niyang yun. Oversized kasi sa'kin yung hoodie niya, nang tanggalin ko yung hood sa ulo ko ay agad ko siyang inismidan.
"Bagay sa'yo," sabi niya habang nakangiti. Nahugot ko pa ang hininga ko nang isabit niya sa tenga ko yung buhok na nakatakip sa mukha ko. "Tara na sa loob," yaya niya.
Pagpasok namin sa loob, hindi na niya ako tinanong kung anong gusto ko dahil alam na niya yun. Pinaghanap na lang niya ako ng mauupuan at doon ko napili sa may glass wall na nakaharap sa parking area. Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa dahan-dahan akong lumingon sa harap ko.
"Galit ka ba sa'kin?" Tanong niya nang muling magtagpo ang mga mata namin.
Bumuntong-hininga ako at sumandal sa kinauupuan ko, sasagot na sana ako nang maalala ko yung sinabi niya kanina, nakalimutan na kaya niya yun?
"Maiintindihan ko kung galit ka sa'kin pero sana huwag ka naman magalit dahil sa pag-aalala ko sa'yo."
"Kaya ko naman ang sarili ko," sagot ko. "Alam mo yun di'ba?"
"Paano kung 'yan din ang isagot ko sa'yo? Na huwag ka nang mag-alala dahil kayo ko naman ang sarili ko."
Natigilan ako.
"Di'ba, hindi ka rin naman papayag? Hahayaan kita sa gusto mo pero sana hayaan mo rin ako sa gusto ko."
Hindi nanaman ako nakasagot dahil dumating na rin yung order namin. Umiwas ako ng tingin sa gawi niya dahil halo-halo na yung nararamdaman ko, napalingon na lang ulit ako sa kanya nang may dumampi sa kamay ko na nasa lamesa.
It was an iced coffee.
"Kung iniisip mong lasing pa ako, nagkakamali ka roon," aniya. "Seryoso ako sa sinabi ko ah."
"Wala naman akong sinabing hindi," sabi ko at tinanggap yung kape. Agad akong sumipsip sa straw habang pinapanuod siyang tanggalan ng balot yung burger na hawak niya bago iabot sa akin. "Salamat."
"So ano, deal?" Tanong niya.
"Para namang may iba pa akong choice," sagot ko. "Pero pwede bang sabihin mo naman sa'kin kung anong nangyayari sa'yo?"
Napaisip siya saglit bago siya nakapagsalita.
"Ginagawa ko naman yung mga gusto ng tatay ko, maliban doon sa pagtugtog, kasi hindi ko kaya yung sinasabi niya na itigil ko raw yun," sabi niya habang nakangiti. "Kaya tinatanggap ko na lang yung inaabot ko sa kanya. Kaya ko naman tiisin yun e."
BINABASA MO ANG
Holding On With Maybe (Holding On Series #2)
Teen FictionHOLDING ON TRILOGY (Series 2 of 3) Between being saved and being the savior, Grace Alyson would rather choose to be the savior. She doesn't need anyone because her choice is always firm, it is to refuse to be saved and that at the end of the day...
