"Hindi sira yung ulo ko, sadyang naniniwala lang ako sa'yo."
After 10 months.
For the past months, I stayed where I was after the first release of cards. I went up to the stage during the recognition day attaining the highest grade in the class. Ang bilis ng araw, parang nung isang araw lang, kaka-transfer lang namin ni Bobbie dito sa PCU, ngayon nasa ika-huling taon na namin sa Junior High.
Naglalakad kami ni Bobbie patungo sa classroom, ikalawang linggo na matapos ang unang araw ng klase pero yung stress namin sa mga gawain, pang-second grading na.
Nasa ikahuling taon talaga ang mga pagpapahirap.
"Grace Alyson!"
Napalingon kami sa likod namin at nakita namin si Timothy na tumatakbo papalapit sa amin. Hindi na niya madalas kasama si Vaughn dahil... ewan ko. Siguro even if Bobbie never rejected him verbally he may felt that he has really no chance to her.
But they still talk, not that much anymore, though.
Pumagitna sa amin si Timothy at inakbayan kaming dalawa. Sa tangkad niyang 'yan, hindi mahirap gawin yun para sa kanya.
"Naaamoy niyo ba yun?" Tanong niya bigla.
"Yes." I nodded. "Uso mag-deodorant Timothy."
Agad niyang inalis yung akbay niya sa'kin at inamoy yung sarili.
"Mabango naman ako ah!" Depensa niya pa. "Mabuti pa 'tong si Bobbie, hindi ako binu-bully."
"Baka umiyak ka kapag ako ang nang-asar sa'yo e," Bobbie retorted.
Inalis na rin ni Timothy yung pagkakaakbay niya kay Bobbie at nag-crossed arms.
"Kambal nga kayo," aniya. "Pero hindi niyo ba talaga naaamoy?"
"Ano ba yun?" Bobbie asked.
"Nangangamoy eleksyon na," he announced. "Any thoughts about joining Grace Alyson?"
"No need to ask her, she'll join for sure," Bobbie answered for me.
"Sure na yan?" Timothy clarified. "Lalaban akong president ng Music Club."
"Share mo lang?" I glanced at him.
Inismidan niya lang ako. Pikunin talaga.
"Pero suggest ko lang sa'yo na lumaban kang student org president," he began. "Sure win ka na roon, tapos magpa-concert ka, yun naman talaga ang pahiwatig ng platform mo last year, di'ba? Tsaka gusto ko man lang tumugtog bago grumaduate," he continued.
"Planadong-planado na Timo ah," Bobbie said. "Bakit hindi na lang ikaw lumaban na student org president?"
"Bobbie's right," I agreed, tapping my sister's shoulder.
"That's her spot, Bobbie," he said. Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. "It's your spot Grace Alyson, not mine," he repeated at nginitian niya ako. "See you at the assembly," he added.
Pagkatapos nun, pumasok na siya sa classroom namin na mayroong malawak na ngiti.
Sira na yata ang ulo niya.
---
"Grace! Finally, you're here!" Sinalubong ako ni Mau nang makapasok ako sa room ng student org, may iniabot siya sa akin na pamilyar na papel. "Hindi naman siguro ako nagkakamali na nandito ka para mag-fill out 'no?" She looks at me.
Umupo ako sa upuan na nasa harap ng table ng president namin at inilahad ko ang kamay ko kay Mau para abutan niya ako ng form, nginitian niya ako ng malawak nang iabot niya sa'kin yug form.

BINABASA MO ANG
Holding On With Maybe (Holding On Series #2)
Teen FictionHOLDING ON TRILOGY (Series 2 of 3) Between being saved and being the savior, Grace Alyson would rather choose to be the savior. She doesn't need anyone because her choice is always firm, it is to refuse to be saved and that at the end of the day...