18

16 4 1
                                    

"Wala akong planong bitawan ka."

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang isang linggo na wala akong matinong tulog, hindi ko alam kung paano ko nakayanan yun, o siguro, ganoon talaga kapag punong-puno ng isipin ang utak mo.

Hindi ka nila patutulugin, kahit gaano ka pa kapagod. Pilit na guguluhin ka nila hanggang sa gumawa ka ng paraan para mabawasan sila isa-isa.

Pero sa loob ng isang linggo, wala akong paraan na nahanap o mahanap, kaya eto, araw-araw na akong umaasa sa kape.

Isang linggo. Hindi yun lumipas ng basta-basta lang, maraming nangyari, kasama na roon yung panibagong atake nanaman ni Bobbie. Hindi ko na siya tinanong kung bakit kasi sa nakalipas na araw, alam ko naman kung ano.

Pansin ko kung anong gumugulo sa kanya, pansin ko kung bakit palagi siyang nag-iisip at mabigat ang dinadala. Hindi ko na kailangan magtanong. Alam ko naman na dahil kay Callixto.

Ang hindi ko lang alam, bakit kailangan pa nilang pahirapan ang sarili nila kung halatang-halata naman na mahal pa rin nila ang isa't isa?

Nakakapagod na silang panuorin pero wala naman akong magawa dahil desisyon nila yun. Pakiramdam ko, wala akong karapatan kasi kahit ako rin naman, desisyon ko rin na kahit mahal ko na yung tao, sinasarili ko na lang. Kahit pakealaman man ako ng kung sino, hindi na magbabago ang desisyon ko.

May rason ako at alam kong meron din sila.

Kaya sino ba naman ako di'ba?

Mag-aalala lang ako pero hindi na ako mangengealam tulad ng dati. Magpapaalala ako pero hindi na tulad ng dati.

"Grace, may nagdo-doorbell, pwede bang ikaw na ang lumabas? Tutulungan ko pa si Nanay Daisy na maghanda sa garden, sumunod ka na rin doon, ha?" Sunod-sunod na sinabi ni Mama nang makababa ako sa hagdan.

"Sige Ma," I nodded at her at dire-diretsong lumabas ng bahay. Linggo na ulit ngayon kaya siya nandito.

Pagbukas ko ng gate ay agad may humila sa akin at kinulong ako sa bisig niya. Sa gulat ko, hindi ko agad malaman kung ano ba ang dapat kong gawin, pero bumalik ako sa wisyo ko nang maramdaman kong unti-unting nababasa ang likuran ko.

Kinapa ko sa likod ko yung gate at muli ko yun isinara bago ko siya dahan-dahang niyakap pabalik.

"A-Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.

Hindi siya sumagot at mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin, kaya hinawakan ko ang bisig niyang nasa bewang ko, at muli akong nagulat nang mapaaray siya sa ginawa kong yun.

Mabilis akong lumayo sa kanya at hindi binatawan yung hinawakan ko. He was wearing a long sleeve shirt at dahan-dahan kong binuklat yun para makita ko kung anong nagtatago sa ilalim nun.

My lips parted when I saw visible blood on his huge bandage wrapped around his forearm.

"Timothy," I breathed. "What the hell happened?" I asked, almost like a whisper because I couldn't find my voice with what I saw.

Timothy didn't answer. He bit his lip, looked away, and wipes his tears using his other hand, but I called him again and tried to catch his stare.

"Sabihin mo naman sa'kin, ano bang nangyari? Anong ginawa niya sa'yo?" Unti-unting tumataas ang boses ko dahil sa pag-aalala.

Parang... sobra naman yata 'to.

"He knew it, Aly. Matagal na," he began, still not looking at me. Tinanggal niya rin yung pagkakahawak ko sa kanya at hinila pababa yung long sleeves niya. Muling itinatago yung sugat niya. "And so he broke my guitar. It accidentally hit my forearm.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon