10

34 6 1
                                    

"Why is being cared for seems like a crime to you?"

Simula nung dumating yung order namin at matapos kaming kumain, hindi na gaanong nagsalita si Timothy. Alam ko kung bakit pero ayoko siyang tanungin dahil kung ayaw niyang sabihin sa'kin, hindi ko siya pipilitin.

Ayoko rin kasi nun.

Kasi kung willing naman ako, sasabihin ko naman. Magki-kwento naman ako.

"Totoo nga," sabi ko habang naglalakad kami sa field. Napagdesisyunan kasi namin na bumalik na lang ng university kesa magpakalat-kalat kami sa labas. Isa pa, ako yung nabibigatan sa dala-dala ni Timothy.

"Ang alin?" Tanong niya.

"Masarap nga yung mami." Tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa dinadaanan namin. Hindi ko alam kung naiilang siya o ano.

Hindi ko talaga ugaling magsalita kapag hindi nagsasalita yung kasama ko pero iba kasi ngayon.

Hindi ko alam pero hanggat maaari, gusto kong magsalita, pero wala na akong maimik, at pagod na rin ako sa kakalakad, kaya naman lumiko ako nang makarating kami sa grandstand, I took a few steps up bago ako naupo sa isa sa mga upuan na naroon.

As usual, nakasunod nanaman siya sa akin. Sinandal niya yung guitar case niya sa tabing upuan niya kasama yung shoulder bag niya. Magkatabi kami ngayon at parehas nakatanaw sa langit.

Nagpakawala siya ng buntong hininga.

Nanibago ako.

Hindi kasi siya yung tipo ng tao na mukhang problemado. Palagi siyang nakangiti, palagi siyang nakakaloko, kaya alam ko, na kung ano man yung bumabagabag sa kanya, hindi yun basta-basta lang.

Ramdam ko na may bigat.

"Wala ka bang pupuntahan?" Tanong ko nang lumingon ako sa kanya.

Umiling lang siya.

"Practice ng banda?"

Umiling ulit siya.

"E ano pang gagawin mo rito?"

"Ikaw, ano pang gagawin mo rito?" Tanong niya pabalik, nakatingin na rin sa akin.

"Wala akong gagawin sa bahay," sabi ko. "Isa pa," I paused. "Ang hirap umuwi, knowing that you're like that."

Hindi ko alam kung paano ko nasabi yun na nakatingin sa mga mata niya. Siguro kasi, gusto kong maramdaman niya na kung ano man yung dinadala niya, pwede niya yun bawasan.

Makikinig naman ako.

Part of me really hates him at first but through days, I learned a lot about him. I've seen more of him, I've witnessed every smile, every laugh, and every joke he has, but never his frown and never his sigh.

Kaya bago 'to sa akin.

Hindi ako sanay sa ganitong Timothy.

Umiwas siya ng tingin sa akin at itinuon niya yung dalawa niyang kamay sa likod ng inuupuan niya at tumingala.

Umiwas na lang din ako ng tingin at nanahimik na lang.

Kagaya ng sinabi ko kanina, kung ayaw niyang sabihin sa'kin, hindi ko siya pipilitin.

"Wala akong pupuntahan, ayoko rin naman umuwi, kasi kapag umuwi ako nang ganitong oras, kailangan ko nanaman siyang harapin," he said while still staring at the sky.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko kung anong sunod niyang sasabihin. Hinintay ko kung sino yung tinutukoy niya.

"Shit," natatawa niyang sinabi kaya napalingon ako sa kanya. Umiling siya at pagkatapos nun ay sinubsob na niya yung mukha niya sa mga palad niyang nakatuon na ngayon sa binti niya. "Sa lahat ng taong pwede kong pagsabihan nito, ikaw talaga Grace Alyson?" Tumingin siya sa akin na may kasamang ngiti.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon