16

36 7 1
                                        

"Pwede naman sigurong magmahal na hindi mo sinasabi"

I was walking towards the exit of the hospital when my eyes immediately saw Timothy. I asked him if he's available today and all he answered was where I am. Eto yata yung rason, gusto niyang i-flex sa'kin yung kotse niya.

He was leaning onto his new Ford Mustang, sabi niya graduation gift daw ng parents niya yun.

I guess, what he did during our senior year, paid off.

"Surprise!" Timothy cheerfully said when he saw me.

Pinagbuksan niya agad ako ng pinto at sumakay naman ako roon sa shotgun seat. Umikot pa siya papunta roon sa upo niya.

"Bakit nandito ka sa hospital?" He asked when he was fastening his seatbelt. He started the engine before I could even answer.

Muntik pa akong ma-distract sa kung paano niya i-drive itong sasakyan niya.

Kailan pa siya natutong mag-drive?

"Ah, binisita ko lang si Mama." Tumingin ako sa labas ng bintana, hindi makatingin sa gawi niya dahil kulang yung sagot kong yun. Dumaan akong hospital hindi lang dahil kay Mama kundi para na rin sa gamot ni Bobbie.

"She's sick?"

"No, she's a doctor," I answered.

"Ang tagal na nating best friends, hindi ko pa rin nakikilala parents mo."

"Required bang ma-meet ang parents kapag mag-bestfriends?" Lumingon ako sa kanya.

"Ang harsh mo talaga Grace Alyson," sabi niya habang seryosong nakatingin sa daan. "Kahit sa magkaibigan, dapat kilala yung parents para in case na mawala ka, alam nila kung kanino sila magtatanong-tanong."

"Okay, sa susunod, ipapakilala kita kela Mama."

"Huwag na, mukhang napipilitan ka lang e."

"Napakaarte mo."

He laughed.

Ano bang meron? At konting kibo niya ay nadi-distract ako?

Dahil ba, ngayon ko lang ulit siya nakita? Nagpagupit ba siya? Bagay kasi sa kanya ngayon yung haircut niya ngayon, I think its faded. Is he even doing work out? Yung katawan niya kasi ngayon.

"Aly, huwag mo naman akong titigan."

Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at napalunok.

"Napaka-feelingero mo rin," sabi ko.

Tumawa ulit siya.

Nakakainis yung pagtawa niya, sa totoo lang.

"Maiba ako, anong meron ngayon?" He asked.

"Tara sa Haven, inom tayo," pagyayaya ko.

Papayagan naman na kami roon dahil nasa legal age na kami.

"Sigurado ka ba? Grace Alyson? Ikaw talaga nagyayaya?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Sigurado ako."

Hindi na sumagot si Timothy at nag-drive na lang.

"Dito ka muna," sabi niya sa'kin bago siya lumabas ng kotse niya. Nasa parking lot kami sa harap ng bar, pinanuod ko siyang pumasok sa loob. Hindi naman ako matagal naghintay, bumalik din agad si Timothy na may bitbit na paper bag.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinababa.

Hindi kami sa entrance dumaan kundi roon sa hagdan na nasa gilid nung bar. Nakasunod lang ako kay Timothy hanggang sa makarating kami sa pinakang-itaas. May padlock yung gate papasok doon.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon