09

29 6 1
                                        

"Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa pwede niyang maging sagot."

Hindi ako nakatulog.

Hindi ko alam kung papaano ko napalipas ang isang oras na hindi man lang ako nakakaramdam ng antok kahit pagod ako. Sinubukan kong mahiga pero kahit anong pili ko ng posisyon sa pagtulog, walang nangyari.

Gising na gising pa rin ako.

Hindi ko rin alam ba't ramdam na ramdam ko pa rin yung presensya ni Timothy.

Napailing na lang ako at tumayo sa kinauupuan ko sa tabi ni Bobbie at nagdesisyon na maligo na. Anong oras na rin, marami pa akong gagawin sa school-

"Hey." I immediately held Bobbie's shoulders when I saw it shaking, her eyes are slowly opening. "Breath properly," I told her.

Umupo ulit ako sa tabi niya at tinignan siya. Nagpakawala siya ng buntong hininga bago siya tumingin sa akin.

"Alam na niya?" Yun agad ang bungad niya sa akin.

"No," I smiled at her. "Kakaalis lang nila kaninang 5AM, pinauwi ko na muna kasi kailangan din nilang magpahinga."

"Anong sinabi mo sa kanila?" Tanong pa niya.

I told her the exact things I told the guys earlier, she still seems bothered, but who wouldn't be? Ang hirap itago ng katotohanan na pilit kumakawala sa taguan.

"Don't you trust him enough?" I asked her.

Para na kaming nagtatalo rito tungkol sa pagsasabi niya ng sitwasyon niya kay Callixto. Sa totoo lang, hindi ko na maintindihan kung bakit ayaw niya pang sabihin kay Callixto yung kalagayan niya. If it's all about her, dying, which I hope she won't.

Mas masasaktan niya lang si Callixto, may posibilidad na kapag nawala siya, sisisihin ni Callixto yung sarili niya, pwedeng maramdaman niya na hindi pa sapat yung atensyon na binigay niya sa kanya, na sana may nagawa siya sa sitwasyon niya.

Pero siguro, ganoon talaga, may mga katotohanan tayo na ayaw natin sabihin kahit sa taong pinakamamahal natin, na kahit sobrang mahal natin yung tao, may katotohanan tayo na hindi natin kayang maipagkatiwala.

Baka nga ganoon.

Na pwedeng mahal mo yung isang tao pero hindi sa puntong kaya mong ibigay o sabihin ang lahat.

Dahil palaging may takot, palaging may duda, palaging nalilito sa pwedeng manatili siya at pwede ring hindi sa oras na malaman niya ang lahat ng tungkol sa'yo.

"I hope you'll figure it out soon," I sighed and smiled. "He'll be here soon, magre-ready na ako kasi may kailangan pa akong ayusin sa university." I stood up and remembered Mama and Callixto's encounter when she was rushed here. "And he also said to Mama kung ano ng status niyo and Mama trusts him to take care of you today kasi sabi niya he'll skip the day two of the foundation week just for you."

I gave her another smile bago ako tumalikod sa kanya at kunin yung tuwalya ko na nakasabi sa may pinto ng cr namin.

"Grace?" She called me bago pa man ako makapasok sa loob. Nakatingin siya sa akin nang lumingon ako. "Thank you."

"Anytime Bobbie, basta ikaw," I said at pumasok na sa loob ng cr.

I just hope that she'll tell Callixto the truth. Callixto should know so that I don't have to worry this much.

---

I was aimlessly walking in the hallway. Seriously, kung kailan nakaalis na ako ng bahay, tsaka ako nakaramdam ng antok. I sighed heavily and held the strap of my tote bag tightly, asking for the strength that I need today.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon