"I don't know what else to say, even if I want to fill in the atmosphere, I was afraid that I might say things that I shouldn't."
I was frustratingly biting my nail as I walkout from the company building. Nakakainis! Hindi naman nagkulang yung team namin sa project na yun na paalalahanan si Mrs. Perez na magastos talaga kapag nag-aadjust na sa mismong site.
Bakit parang kasalanan namin na mabagal mag-sink in ang mga realizations niya sa bahay na pinapagawa niya?
"Potek, seryoso ba siya?" Sabi pa ni Architect Cua nang makasabay ko siya sa paglalakad papunta ng parking lot. Hawak-hawak niya yung blueprint nung bahay na muntik na niyang ipasa sa ibang naroon sa meeting kanina.
"Kulang na lang ipa-rotate niya yung layout nung bahay niya ng 90 degrees sa mga pinapagawa niya. Pucha! Siya kaya sa pwesto natin para malaman niya na hindi basta-basta yun? Ang daming ililipat na pipes!" Dagdag pa niya.
Huminga ako ng malalim. Inis na inis na rin talaga ako pero kailangan kong pakalmahin yung sarili ko dahil hindi maganda kung parehas kaming inis ni Geof. Walang maitutulong kung gagatungan ko pa siya.
I was walking towards my car at ganoon din si Geof before I spoke. "First time siguro ni Mrs. Perez na magpagawa ng bahay kaya siya ganoon." I was trying to sound like I didn't control myself not to glare every time magsasalita si Mrs. Perez tungkol sa mga reklamo niya sa bahay.
Sure, it's normal to complain if there are parts in your house that you find disturbing but... when it comes to Mrs. Perez? Her complains? She's just really too much.
"Kung ganoon, eh 'di sana mas nakinig siya noon pa man sa payo natin sa kanya," sagot niya sa'kin habang may kinukuha siya sa bulsa niya. "Hindi sana tayo naiipit nang ganito."
"Hayaan mo na," sabi ko na lang. "For sure, tutulungan naman tayo ng company regarding sa issue na 'to, to think na hindi naman 'to bago sa atin."
Geof let out a sigh and nodded. "Sabagay. Kaya sa susunod talaga, mamimili na ako ng client. Yung ayaw makinig, pass na agad sa iba," he laughed.
"That's good," I supported his statement. "Para naman yung mga kagaya kong engineer, hindi nadadamay sa ganito."
"Aray!" Humawak siya sa dibdib niya, nagkunyari pang nasaktan, at parehas kaming natawa.
Nagpaalam na rin siya matapos yun at nauna siyang umalis sa akin, bago ako makasakay ng kotse ko, may nakita akong pamilyar na mukha. Noong isang araw ko siya huling nakita, through group video call pa.
"Mr. San Jose," I called.
Lumingon siya sa akin bago niya ako malagpasan nang tuluyan.
"Ms. Segvillon," he called back, stopped walking, and faced me.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"I'm here for Atty. Sevilla," he immediately answered. My eyes immediately furrowed and he might've noticed it because he answered the question I have in mind. "He told me that we can meet here regarding my application as his assistant."
"So... you're going to work here too?" I presumed.
"Kung matatanggap ako. Probably, yes...?" Patanong niyang sagot. "Will it be a problem, Ms. Segvillon?"
Napalunok ako, umiwas din ako ng tingin sa kanya saglit bago ko muling tinagpo ang mga mata niya.
"No, not at all, Mr. San Jose."
At that, he just nodded at me, he was about to walk out when I spoke again.
"Papunta ka rin ba ng Antipolo pagkatapos?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Holding On With Maybe (Holding On Series #2)
Teen FictionHOLDING ON TRILOGY (Series 2 of 3) Between being saved and being the savior, Grace Alyson would rather choose to be the savior. She doesn't need anyone because her choice is always firm, it is to refuse to be saved and that at the end of the day...
