13

27 7 0
                                    

"Did you know that goodness, when it's too much, could be bad stuff too?"

I was slapping my face slightly repetitively because my eyes keep on falling. Antok na antok na talaga ako pero sa tuwing may nakikita ako sa website noong mga kailangan kong files, I always find the urge to continue what I'm doing.

It's already 2AM and I'm still in front of my laptop screen, nang ma-click ko na yung download button, tinanggal ko muna yung salamin ko, at sumandal sa kinauupuan ko. Nag-inat pa ako dahil ilang oras na akong nakaupo.

"You're still awake?" I heard Bobbie's voice.

"I'm still doing something," I answered as I fixed my sit. I glance at her and saw that she's still laying in her bed, facing in my direction, half-sleep.

"Pwede mo naman sigurong gawin 'yan bukas," she said in her sleepy voice. "Save whatever that is and sleep." She yawned and turned her back on me.

I just sighed and continued what I was doing. Wala naman klase bukas kaya malakas ang loob ko na magpuyat. Isa pa, ayokong gawin 'to na gising si Bobbie.

Pero, nakakademonyo yung sinabi niya na matulog na ako.

Bumabagsak na kasi talaga yung mga mata ko.

Tinignan ko ulit yung nasa laptop screen at nang makita ko na nasa 65% pa lang yung downloading progress, napagdesisyunan kong sumubsob muna sa study table ko.

Ang hindi ko maintindihan, bakit dumiretso na yun sa pagtulog?

Pagkagising ko, sobrang sakit ng likod at batok ko. Napamura ako sa utak ko nang ma-realize ko na nakatulugan ko na yung ginagawa ko kagabi. Napahilamos na lang ako sa mukha ko nang makita ko na nakasara na yung laptop ko at naka-charge pa!

Agad kong inayos ang mga gamit ko sa study table pati na rin ang sarili ko bago ako bumaba papunta ng dining table. Nang makarating ako roon, nakita ko agad si Bobbie na nagpo-phone habang kumakain ng almusal.

"Good morning," she greeted.

"Morning," tipid kong bati bago ako umupo sa harap niya.

"I remember that I told you to sleep... but not on your study table," she mentioned as she took a bite from her bacon.

Hindi ako sumagot at nagsandok na lang ng fried rice sa plato ko pati na rin scrambled egg.

"I also remembered that we don't have a creative writing subject. So..." She looks at me. "Para kanino yun?" She grinned.

"Obviously, for a HUMSS student," sagot ko, hindi makatingin sa kanya.

"Specifically?"

I sighed. She's so persistent.

"Timothy."

Binitawan niya yung kutsara at tinidor niya before she clapped her hand.

Isinandal ko naman ang sarili ko sa kinauupuan ko at nag-crossed arms, hinihintay ang sasabihin niya.

"So, may something na kayo?" She excitedly asked.

Umiling ako. "It's just a favor Bobbie... nothing else."

Bumalik na ako sa pagkain ko nang magsalita ulit si Bobbie.

"At sino naman si Timothy para bigyan mo ng pabor?"

"Kaibigan." Iyon lang sana ang sagot ko kaso ibang makatingin si Bobbie kaya dinagdagan ko "... natin."

She got her utensils and nodded. "Sige, kunyari na lang naniniwala ako."

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon