12

25 7 0
                                    

"Sa tuwing pinipili ko yung gusto ko, parang kailangan ko laging magbayad, parang palagi akong may utang na hinahabol ako."

Sobrang init.

Kanina pa kami nandito sa field dahil mayroon kaming pinaghahandaan na performance task para sa PE subject namin. Basang-basa na ng pawis yung PE shirt ko, itinupi ko na rin yung jogging pants ko hanggang tuhod dahil init na init na talaga ako.

"Guys! Break time muna!" Sigaw nung class president namin.

"Grace, tara sa grandstand," yaya ni Bobbie.

"Dito na lang ako," sabi ko.

"Sure ka ba? Ang init kaya."

"Okay lang," sabi ko. "Kapag pabalik na kayo, dalhin mo yung tubig ko."

Tinanguan na lang ako ni Bobbie at pinanuod ko sila ni Callixto na maglakad palayo sa akin. Umupo na rin ako sa kinatatayuan ko, ini-strech ko yung legs ko habang nakatuon sa likod ko yung dalawang kamay ko bilang suporta sa katawan ko na pagod na pagod na talaga.

Tinanggal ko yung salamin ko, dumudulas na kasi pababa dahil pawisan na rin yung ilong ko. Tumingala ako matapos yun at pumikit, sinusubukan i-relax ang sarili.

Hanggang sa hindi ko na maramdaman yung sinag ng araw sa mukha ko. Iminulat ko yung isa kong mata at nakita ko si Timothy na nakatungo habang nakapamewang.

"Ginagawa mo?" Tanong niya tapos may ibinagsak siyang tuwalya sa mukha ko.

Amoy na amoy ko roon ang pabango niya, tinanggal ko yun sa mukha ko, at hinanap siya ng paningin ko. Nakaupo na siya sa tabi ko, nakataas yung dalawa niyang tuhod habang nakapatong roon yung mga braso niya.

Nang lumingon siya sa akin ay kinuha niya yung tuwalya na hawak ko at sinimulan niyang ipahid yun sa mukha ko.

"Aray! Ako na kasi, para namang tatanggalan mo na ako ng mukha sa ginagawa mo," angal ko at inagaw ko sa kanya yung tuwalya. "Hindi ko rin naman sinabi na tanggalan mo ako ng pawis," dagdag ko habang nagtatanggal ng pawis.

"E paano kasi, nakatingin ka lang sa'kin habang hawak yung tuwalya," aniya. "Oh, tubig mo." Inabot niya sa akin yung tumbler ko. "Inabot sa'kin ni Bobbie nung makita niya akong nagja-jogging."

"May ganap din kayo rito?" Tanong ko, ibinalik ko na sa kanya yung tuwalya nang makuha ko na yung tumbler mula sa kamay niya.

"Nandun HUMSS oh." Turo niya sa kabilang dulo ng field. "Alangan namang trip ko lang mag-jogging o hindi kaya ay puntahan ka rito, masyado ka namang importante Aly kung ganoon."

"Wala akong sinabi," pagdepensa ko naman. Uminom na ako sa tumbler ko, naubos ko na ang laman nun pero pakiramdam ko, kulang pa rin.

"Ang hilig mong bumukod," sambit niya habang nakatanaw sa grandstand. "Tipong nandun yung mga kaklase mo habang ikaw nandito."

"Hindi kasi ako makakapagpahinga kung nandun ako," sabi ko. "Gusto ko kasi kapag nagpapahinga ako, tahimik, mag-isa, yung walang kumakausap sa'kin."

"E bakit mo ako kinakausap?"

"Kinakausap mo ko e," sagot ko agad. "Ang bastos ko naman kung hahayaan lang kitang magsalita nang magsalita diyan di'ba?"

"Ah, dapat pala manahimik ako, kasi nagpapahinga ka e."

"Mabuti pa nga," sabi ko at pumikit na lang ulit habang nakatingala.

Hindi rin katagalan, napamulat ulit ako dahil naramdaman kong may kumukuha nung salamin ko mula sa kamay ko. Pagharap ko kay Timothy, hinawakan niya yung baba ko, habang yung isa niyang kamay isinasabit sa tenga ko yung mga buhok kong nakaharang sa mukha ko.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon