34

14 4 0
                                        

"Hanggang pag-alaala na lang ba ang lahat ng yun? Hindi na ba talaga pwedeng ibalik lahat ng yun?"

My friends and I are at the venue of Luther's graduation party because we were told to wait here instead. It has been an hour before they arrived here, sabay-sabay kaming lumapit kela Timothy at naging photographer pa nga kami ni Mau dahil nagpa-picture silang mga lalake sa amin.

"Grace, wala pa tayong picture!" Sabi ni Luther na agad akong hinila sa tabi niya. Nasa harap namin si Callixto na may hawak na DSLR na nakatutok sa amin, agad naman akong ngumiti nang magsimulang magbilang si Callixto.

Pagkatapos ng ilang shots, may humila nanaman sa akin.

"Kami rin, wala pa," rinig kong sabi ni Timothy.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong walang ekspresyon yung mukha niya pero nang tumingin din siya sa akin, bigla siyang ngumiti. Napakurap ako nang biglang may mag-flash at tsaka lang ako napaiwas ng tingin.

"Sorry, napindot ko agad," sabi ni Vaughn habang napakamot sa batok niya. Mukhang ipinapasa na sa kanya ni Callixto yung DSLR dahil noong napatingin ako sa gawi nila ay bago pa lang binibitawan ni Callixto yung camera.

"C-Congrats," pasimple kong bati kay Timothy habang nakatingin kami parehas sa camera. Shot lang nang shot si Vaughn at hindi siya nagbibilang, hindi ko alam kung may magiging maayos bang litrato roon.

"Thank you," sagot naman ni Timothy. "Can you wear this?" Tanong niya, pero bago pa lang ako lilingon sa kanya ay isinusuot na niya sa akin yung graduation cap niya. Saglit pa kaming nagkatitigan habang hawak pa rin ng isa niyang kamay yung cap hanggang sa ako na ang humawak para maiayos ko sa ulo ko.

Pero medyo maluwag sa akin kaya sa huling shot ay tinanggal ko na yung cap, pinatungo ko pa si Timothy para maisuot ko sa kanya ulit.

"Send ko na lang sa inyo yung mga pictures," sabi ni Vaughn habang nakatingin siya roon sa screen ng camera, hindi man lang sa amin pinapakita kung may maayos ba roon.

Nang makabalik kami sa pwesto namin ay iniabot ko na kay Luther yung regalo ko. Wala akong ibang maisip na iregalo sa kanya kundi alak kaya yun na lang binili ko para sa kanya. Although, hindi naman yun basta-bastang alak kaya alam kong magugustuhan niya yun.

Napansin kong pasimpleng tumitingin si Timothy roon sa binigay ko kay Luther kaya ibibigay ko na rin sana sa kanya yung regalo ko para sa kanya ang kaso magsisimula na pala yung party kaya naman napagdesisyunan kong mamaya na lang ibigay sa kanya.

Ilang oras na ang nakakaraan at tapos na rin kaming lahat kumain. May kanya-kanya na ring mundo yung mga kasama ko sa lamesa, si Luther, nakikipag-usap sa mga bisita niya, si Callixto at Carl may pinag-uusapan tungkol sa trabaho, si Ken at Mau, nagpapa-picture kay Vaughn hindi kalayuan mula sa amin.

Napatingin ako kay Timothy at nakita kong hawak niya lang yung wine glass habang nakatingin sa paligid. Hindi ko alam kung bakit magkatabi kami sa upuan. Sinasadya niya bang tumabi sa'kin? O baka naman wala na lang talagang maupuan na iba.

Medyo naiinip na ako kaya napag-desisyunan ko munang tumayo at magpahangin sa labas.

"You're leaving?" Timothy asked.

Nang mapalingon ako sa gawi niya ay nakatingin siya sa akin. Agad akong umiling sa kanya.

"Magpapahangin lang sa labas."

"Pwede ba akong sumama?"

I restrain myself to look shocked at every little action he's showing to me now, so I just nodded at him and continued to walk hanggang sa makarating na ako sa labas. Maliwanag pa sa labas dahil pahapon pa lang naman at medyo lumalamig na rin ang hangin.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon