"It's either you trust the person or you love the person kaya mo siya pinapasok sa buhay mo."
Seven months after the last day of the foundation week. Seven months after I won the gold medal in poem writing.
Seven months after our grade won as the overall champion.
And, seven months after saying yes to Timothy.
It's unbelievable that the very first person whom I hate after transferring to PCU is the same person who'll be my bestfriend.
Really, it's unbelievable... on that part.
Because of all the things that happened, of all the things I found out about him, he's a whole lot different from the person whom I met the first time.
Eyes never really lie, a part of him is really dangerous.
"Grabe, yun na yun? Tapos na talaga ang summer?" Nababagot na sinabi ni Timothy habang nagsisipa ng bato sa daan.
Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at bigla kaming bumaba ng sasakyan nila, isang kanto na lang, malapit na kami sa 7/11, hindi pa niya pinadiretso yung sasakyan.
Nagke-crave raw siya ng ice cream.
Gusto niya raw yung galing sa 7/11, e ang alam ko meron namang 7/11 malapit sa kanila tapos niyaya pa ako.
Siraulo rin talaga.
"Kapag pakiramdam mo ang bilis ng bakasyon, ibig sabihin marami kang nagawa," sabi ko habang nakapamulsa sa shorts ko.
"Nakalimutan mo na ba agad?" Tanong niya. "Wala akong ginawa buong bakasyon."
Kung may iniinom ako, nasamid na siguro ako. May amnesia na ba 'to?
"In case you forgot," I began. "You recorded a bunch of songs including your gigs at PD Haven, you've been hanging out with the guys in the band at least twice a week, and shared tons of memes online," I enumerated. "Sa tingin mo, wala ka pa rin ginawa buong bakasyon?"
To be honest, I'm lowkey proud of their band, The Rapture. Parang kailan lang noong pinipilit ni Timothy si Bobbie na sumali sa kanila, tapos after months matapos yung concert, they became an official band and got numerous offers, pero yung offer ng family business ni Luther ang tangi nilang tinanggap. All of them have different priorities and chasing a career in music wasn't part of it.
Aside from Timothy though, kasi alam ko na kung siya ang masusunod, he'd rather chase that path, but they're a band, and I also know that Timothy is not selfish and he respects the decision which holds the majority.
"Ba't mo alam lahat nang 'yan? Stalker na rin ba kita?" Hinuli niya yung tingin ko.
Ngumisi ako. "In case you forgot Odi, I have a copy of those recordings because you keep sending them on my email. Isa pa, ina-update mo ako sa tuwing may lakad kayo ng banda, at higit sa lahat, friends tayo sa facebook, at sa lahat ng kaibigan ko roon, ikaw yung marami laging shared post. Hindi na kita kailangan i-see first para lang makita mga post mo." I rolled my eyes upon remembering all those things.
Kapal ng mukha.
He's been all over my whole summer.
"Pasensya ka na ha? God bless." He raised both of his hands in a peace sign.
Napailing na lang ako.
Pagpasok namin sa 7/11, para siyang bata na agad pumunta sa counter dahil nandun yung gusto niyang ice cream.
"Grace, ano sa'yo?" Tanong niya.
"Kahit anong flavor, basta naka-cup," sagot ko habang nakatalikod dahil abala ako sa pagkuha ng dalawang big bite.

BINABASA MO ANG
Holding On With Maybe (Holding On Series #2)
Teen FictionHOLDING ON TRILOGY (Series 2 of 3) Between being saved and being the savior, Grace Alyson would rather choose to be the savior. She doesn't need anyone because her choice is always firm, it is to refuse to be saved and that at the end of the day...