22

17 3 1
                                    

"Akala ko, yung pagbagsak ng pagod kong katawan sa malambot kong kama ang senyales na nakauwi na ako. Hindi pala."

All of us were just starting to drink our beers, I don't know if it's silence in our group that makes me uncomfortable or the fact that my first encounter with Timothy after years feels so embarrassing.

"You didn't say na dito pala siya nakaupo," I whispered to Mau when I finally found my voice.

She didn't answer and just gave me a peace sign as she drinks from her bottle. Napailing na lang ako at itinuon na rin ang atensyon ko roon sa bote ng beer na kanina ko pa hawak. Nakinig na lang ako sa pagdaldal ni Ken.

"Ako lang ba magsasalita dito? Kung pino-problema niyo mga trabaho niyo, sana iniwan niyo muna sa mga inuuwian niyo," sabi ni Ken "Hindi yung ganito, ang pangit niyo naman ka-bonding."

"Sana all muna pre, may trabaho," sabi ni Callixto.

Agad na napatingin sa akin si Mau, habang nakaturo kay Callixto, hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Hala, tignan mo 'tong taong 'to, makapagsalita parang walang trabahong babalikan," singit pa niya bago tumingin kay Callixto. "Ang lakas mo nga sa High Builders, biruin mo yun? May international project agad na binigay sa'yo?"

Napatawa si Carl. "Nagtaka pa ba tayo. E isa pa rin namang topnotcher 'yang si Callixto. Kumusta nga pala sa California?" Tanong ni Carl nang bumaling siya kay Callixto.

Nag-kwentuhan lang sila tungkol sa trabaho, nakikisali ako kapag nababanggit yung pangalan ko, pero kapag hindi, yung buong atensyon ko, nandoon sa taong nasa harap ko, yung abala sa papel na hawak niya. Walang pakealam sa mga nasa paligid niya. Is he... studying? Dito talaga sa Haven?

"Hoy! Bawal mag-aral dito." Biglang kinuha ni Vaughn yung binabasa ni Timothy nang makita niya rin yun.

"I have recits tomorrow," Timothy said in monotone while taking the paper from Vaughn.

"May madaling araw pa naman, relax ka muna Timo," Vaughn smirked. "Hindi ko talaga maisip kung gaano karaming lakas ng loob ang inipon niyo ni Luther para mag-law school."

Tahimik na sinilid ni Timothy yung papel niya sa loob ng bag niya. Nahagip ng tingin ko si Luther na isa pa rin tahimik, abala siya sa pagbubukas ng panibagong bote ng beer. Hindi ko alam kung bakit parehas silang walang kibo. May nangyari ba na hindi ko alam?

Kasi, alam kong nag-shift ng program si Mau, na nakapasa si Ken sa PLE, na nakapunta ng ibang bansa si Vaughn dahil may isa siyang art piece na na-feature sa isang art museum sa New York, na tumuloy ng law school si Timothy at Luther, na sa High Builders din pala magta-trabaho si Carl at Mau.

Mayroon pa bang hindi nababanggit si Callixto sa akin?

"Doon na tayo sa pinakang-rason kung baki tayo nandito," panimula ni Ken. "Baka mamaya may tama na yung iba, mahirap nang mag-usap."

"Pre, may location na ba kung saan itatayo yung cabin?" Tanong naman ni Vaughn.

"Yes," Callixto replied. "May binili akong lupa sa Antipolo. The original location was actually Sagada but it's too far, kaya binenta ko na lang yung lupa na nandoon at bumili ng bago. I also hope that all of you could free your schedule during the weekend so that we could all check it."

"So after nun, kailangan na natin i-budget yung 'no?" Carl concluded.

"Ang bilis mo talaga kapag tungkol sa per- aray!" Ken grunted as Carl threw a cube of ice on his face.

"Ano ba talagang gamot ang binebenta mo?" Tanong ni Carl.

Nagkatinginan na lang kami ni Mau habang nagsasagutan na yung dalawa. As time passes, Luther and Timothy started to catch up with the other guys. I think the alcohol helped them loosened a bit, baka stressed lang sila sa mga pinag-aaralan nila kaya ganoon sila kanina.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon