We were all at Haven, I didn't know how Vaughn and Carl dragged me into this gathering because I clearly told them I have to study or rather, avoid seeing Alyson. But I suppose I don't have to do that because I think she's doing that already.
"Wala pa rin si Grace?" Tanong ni Ken nang makabalik siya galing sa banyo. "Nag-text na ba sa'yo? Tinext mo ba?" Baling niya kay Mau nang umupo siya sa tabi ng girlfriend niya.
"Wala e," umiling si Mau. "Pero nag-text na ako sa kanya, sinubukan ko na rin tawagan pero nagri-ring lang 'yong phone niya."
"Sinabi niya ba sa'yo na sisipot siya?" Tanong ni Vaughn.
"Oo," sagot ulit ni Mau habang nakatutok sa phone niya.
Ako? Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero hindi na rin ako mapakali, tatayo na sana ako para umalis pero naunahan ako ni Luther.
"Where are you going?" Calli asked.
"I'll check outside," Luther stated before he stepped out from our place.
"Guys, kalma lang tayo. Baka may emergency lang si Grace," Carl assured us all.
But it didn't calm me, instead, I suddenly feel mad, I should've stood up right away. I should've been the one who caught that fucking guy.
"Arlan Dela Fuente," Grace told us the name of the guy who almost... fuck.
Mabilis akong napatayo at nagpaalam na lalabas muna ako. Anong ginagawa ng lalakeng 'yon dito? Tapos na ba siyang magkalat sa probinsiya? If he can't stay in the province, might as well put him behind bars.
Pinakalma ko ang sarili ko. He chose the wrong woman to play with. Alam kong hindi rin 'to papalagpasin ni Luther lalo na't nagpakita siya ulit.
"Wala akong balita kay... Arlan pero ang alam ko, wala na nga siya rito dahil sa kumakalat na balita tungkol sa tatay niya," sagot ni Art. "Ako na ang bahalang magsabi kay Kuya tungkol doon, huwag ka nang lumiban sa klase dahil ang alam ko, ngayon mo mas kailangan tutukan pag-aaral mo. Lasing ka pa nga ata ngayon."
"I'm not that drunk, Art. I can come over now so that I can still attend my classes tomorrow and also to stop you from worrying about me skipping classes," mariin kong sinabi sa kanya.
"Bahala ka sa buhay mo, basta hindi ako nagkulang ng pagpapaalala sa'yo."
"I know, but I also really needed to talk to you too because of... her."
"Anong meron sa kanya? Nag-usap na kayo? Okay na ulit kayo?"
"Getting curious now, huh?"
Narinig ko 'yong saglit niyang pagtawa. "Alam mo naman na masyado na akong namuhunan sa buhay pag-ibig mo. Pabayaan mo na ako."
"You could've had yours until now."
"At napag-usapan na rin natin 'yan noon. O'siya, sige na. Baka sa'kin pa mapunta 'tong usapan natin."
Ibinababa na niya 'yong tawag kaya bumalik na ako sa loob. Nakita kong malinis na lahat at kanya-kanya na rin ng higa 'yong mga kabarkada namin. Hindi naging mahirap para sa akin na hanapin si Alyson dahil sa kusina na lang buhay 'yong ilaw.
I wanted to ask her how is she, but after our last talk, I feel like I don't have the right to do so. Another thing is, I could've been the person who saved her, yet someone else did it.
"Alyson," I called her. "Will it be fine if I left you all here?"
"Sabihin ko na lang sa kanila na umuna ka nang umalis," simple niyang sagot, nakatalikod pa rin sa akin.
BINABASA MO ANG
Holding On With Maybe (Holding On Series #2)
Teen FictionHOLDING ON TRILOGY (Series 2 of 3) Between being saved and being the savior, Grace Alyson would rather choose to be the savior. She doesn't need anyone because her choice is always firm, it is to refuse to be saved and that at the end of the day...
