"Nice to meet you, Grace Alyson," sabi ko sa kanya habang nakikipagkamay.
"Just Grace," walang emosyon naman niyang sinabi bago bitawan ang kamay ko.
"Okay." Tumango ako sa kanya. "Just Grace."
Pinigilan ko ang sarili ko na matawa nang umiwas siya ng tingin at nagpakawala nang malalim na buntonghininga, kitang-kita sa ginawa niyang 'yon na pinilit niyang huwag akong sungitan pa.
Grace Alyson.
Masyadong mahaba kumpara sa pangalan ko, pero hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong bigkasin ng buo. Noong una, para lang talaga asarin siya dahil isa na talaga sa forte ko ang mang-pikon, pero tinigilan ko rin dahil ayoko na rin na sa tuwing magkakausap kami ay 'yong kunot niyang noo habang nakasimangot ang matic na bumubungad sa akin.
Gusto ko rin 'yong tumatawa siya o ngumingiti siya tulad noong nakikipag-usap siya sa kakambal niya o kela Mau, o noong nagsalita siya sa eleksyon. Sa totoo lang, nakuha niya talaga 'yong atensyon ko roon sa 'I am Grace Alyson Segvillon and with me – we can make it happen'.
Mukha siyang graceful doon at mukhang lahat ng sinabi niya, hindi lang basta plataporma o pangako, parang mayroong kasiguraduhan na mangyayari 'yon, at dahil doon, gusto ko na siyang maging kaibigan kasi pakiramdam ko magiging magandang impluwensiya siya sa akin.
Kaso parang ayaw niyang maging kaibigan ako. Magkaiba sila ni Bobbie, kasi magkaibigan na kami noong kakambal niya, parehas din kami ng trip, pero siya... Ano bang gusto niya sa isang kaibigan na wala sa'kin?
"In a world where everybody hates a happy ending story, it's a wonder love can make the world go round but don't let it bring you down and turn your face into a frown. You'll get along with a little prayer and a song."
'Yong boses niya. Gusto ko tuloy siyang i-recruit sa music club, ang kaso sabi ni Bobbie, ayaw raw ni Aly ng pinipilit. Sa kabilang banda, ayoko rin naman siyang i-recruit dahil gusto kong ipagdamot 'yong boses niyang 'yon.
At habang tumatagal 'yong academic year, mas lalo ko lang siyang nakikilala, na parang lahat na ata ng tungkol sa kanya, gusto ko nang ipagdamot.
"Grace, pwede ba akong humiram ng–" naputol ang sasabihin ko nang makita ko kung nasaan ang mga mata niya.
"Shit," bulong ko pa. Parang gusto kong magpalamon sa lupa habang tinatakpan 'yong mga quiz namin kanina. Nakakahiya 'yong mga score ko, plano ko naman 'yon bawiin sa susunod na quiz kaya ako nandito sa library...
"Odi," tawag niya.
Ramdam kong nasa akin ang tingin niya at nang salubungin ko 'yon, imbes na awa ang makita ko, ay pag-aalala ang nabakas ko, at sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin, patagal nang patagal din ang pagtitig ko sa mga mata niya.
Sa hindi ko malaman na dahilan, bigla-bigla na lang akong nawawala sa mga tingin niya.
"Ano nga 'yong hinihiram mo sa'kin?" Tanong pa niya.
"'Yong notes mo sana," sagot ko.
"Pa-photocopy na lang natin sa labas mamaya."
Ang simple-simple lang naman noong sinabi niya pero pakiramdam ko, naiintindihan niya ako ng sobra, na para bang pinaparamdam niya sa akin na okay lang na minsan nasa ibaba ako at darating ang araw na makakabawi rin ako.
"Anak ka ng... grades mo 'to?" Napatawa ako nang makita kong gulat na gulat si Vaughn habang tinitignan 'yong report card ko. Uwian na at naglalakad kami sa hallway. "Luh, naka-94 siya sa Science. Thereon, ano ngang grades mo sa Science?"
"93," tipid na sagot naman ni Luther na nasa tabi ni Vaughn na nakasilip na rin doon sa card.
"Gago, wala na, daig ka na ni Timo," pailing-iling pang sinabi ni Vaughn hindi inaalis ang tingin doon sa grades ko. "Hindi na ikaw ang paborito ni Ma'am Vela."
BINABASA MO ANG
Holding On With Maybe (Holding On Series #2)
Teen FictionHOLDING ON TRILOGY (Series 2 of 3) Between being saved and being the savior, Grace Alyson would rather choose to be the savior. She doesn't need anyone because her choice is always firm, it is to refuse to be saved and that at the end of the day...
