05

30 10 0
                                        

"Nakikinig ako."

"Mas gusto kitang kausap."

Hindi ko alam kung ilang beses na yun pumapasok sa utak ko. Paulit-ulit, parang sirang plaka. It somehow made me feel uncomfortable but here I am, sitting on a chair opposite to his.

I was minding my own business so hard, ganoon din naman siya pero ang hindi ko maintindihan, bawat kibo niya naba-bother ako.

Napatingin ako sa phone ko para tignan yung oras.

4:45 PM

Shit. 15 minutes pa lang kaming magkasama ni Timothy?

It already felt like hours.

Napatingin ako sa notes ko. Right, konti pa nga yung nasusulat ko, kasi if 1 hour na kaming nandito, I should've filled a 5 or 6 pages back to back of my notebook, because I really hate wasting my time.

Yet... here I am.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

I look at him, kanina pa kaya niya ako pinapanuod? Sana naman hindi.

And why am I even bothered anyway? Si Timothy lang 'yan Grace!

"Oo naman," sagot ko. Hindi niya pa rin inaalis yung tingin niya sa'kin kaya tinanong ko na rin siya. "Ikaw? Okay ka lang?"

Pero hindi niya ako sinagot.

Instead, he just shrugged at me.

Napabuntong-hininga na lang ako at pumikit, at sa pagdilat ng mata ko, yung mga papel ni Timothy ang nahagip ng tingin ko.

Medyo nanlaki ang mata ko sa mga nakita ko na agad din napalitan ng pagkunot ng noo ko.

Most of our quizzes were up to 50.

He mostly got a score of 20.

And that's not a passing score.

"Grace, pwede ba akong humiram ng-" Naputol yung sasabihin ni Timothy nang makita niya kung nasaan ang tingin ko.

Mabilis niya yun itinago sa ilalim ng mga notebook at libro niya. Nanatili ang tingin niya roon matapos niya yun matakpan.

"Shit," he whispered.

Bulong talaga yun pero sa tahimik ba naman ng library, hindi ko maririnig yun?

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o kung ano ba yung gusto niyang marinig. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, nag-iisip ng tamang salita na pwede kong sabihin sa kanya.

Sa totoo lang, wala akong maisip, pero hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag.

Bahala na siguro.

Umangat ang tingin niya sa'kin.

"Ano nga yung hinihiram mo sa'kin?" Tanong ko pa.

Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa nagsalita na siya.

"Yung notes mo sana," sagot niya. Bakas pa rin ang hiya at gulat sa mukha niya nang tumingin siya sa aki pero binalewala ko yun.

Gustuhin ko man na asarin niya, pinili ko na lang na huwag. Baka kasi wrong timing. Baka kasi hindi tama. Baka lalong hindi makatulong sa kanya.

Sabi nga nila, be kind to others because you have no idea what they are going through.

Malay ko ba kung may pinagdadaanan siya.

Naiinis ako sa kanya pero hindi naman sapat na dahilan yun para maliitin ko yung kung ano mang bumabagabag sa kanya. Pakiramdam niya yun and no one has the right to make his feelings invalidated.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon