epilogue 2:6

10 2 0
                                    

"Will you be my bestfriend?" Paglilinaw ko noong tanong ko sa kanya.

I know I was trying to be dense. I obviously like her but I felt like I'll be pushing too fast and too far if I tell her about my feelings.

And Aly... she's not the type of person who'll jump with you just because you did.

"Ewan ko, parang hindi ko pa kasi kaya o baka ayaw ko pa talaga kasi ang dami ko pang gustong gawin, marami pa akong plano, at pakiramdam ko, kung darating man 'yan sa'kin ngayon na nag-aaral pa ako, hahakbang ako paatras kasi ayaw kong isabay yun sa pag-aaral ... mga plano ko muna sa buhay bago pag-ibig, higit sa lahat, hindi pa naman ako handa." Sumulyap siya sa akin matapos niyang sabihin 'yon.

Ganoon siya kalinaw tungkol sa mga plano niya. She has goals and dreams to fulfill and with all of that between us is enough reason for me to hide what I feel for her.

Baka naman makalimutan ko rin 'yong nararamdaman ko. Baka gusto ko lang talaga siyang maging matalik na kaibigan. Baka masyado lang din akong nadadala sa mga pinaparamdam at pinapakita niya sa akin.

"Dad—"

Naglalakad pa lang ako papasok ng bahay at pagkatapos salubungin ng tatay ko 'yong tingin ko, 'yong kamao na niya ang sumunod.

"How could I have a son as idiot as you are?"

Punong-puno ng pagka-dismaya ang tono ng pananalita niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa ginawa niya, parang namanhid 'yong pisngi ko at napahawak ako sa labi ko. Pinahid ko doon ang isang pamilyar na pulang likido. Palihim akong napangisi habang nakatingin sa sahig.

Sanay na ako sa ganito. Hindi ko na kailangan magreklamo. Pakiramdam ko, papagurin ko lang ang sarili ko sa wala.

"Your Dad found out your performance in class from his cousin, Mr. Villena" rinig kong sinabi naman ng nanay ko sa walang emosyon niyang pananalita pero kahit ganoon, rinig ko pa rin ang nagsusumigaw niyang hinanakit sa akin. "You've been better before, Timothy. Stop playing around and stop putting us all in shame. Don't wait for your Dad to do something more than punching you."

Nang hindi ko na marinig ang mga yabag nila papalayo sa akin, tsaka ako umalis sa kinatatayuan ko. Huminga ako nang malalim nang makita ko ang sarili ko sa salamin.

"Nakakaawa ka," bulong ko.

Matapos ang gabing 'yon, parang walang nangyari noong pumasok ako sa eskwela. Maraming nagtatanong kung saan ko nakuha 'yong pasa ko sa pisngi at 'yong pumutok kong labi.

Nagsinungaling ako at sinabi kong nakipag-away ako. Nagtampo pa nga sila Carl at bakit hindi ko raw sila isinama. Ang dami ko pang sinabi para lang mapaniwala sila lalo sa isang bagay na wala naman katotohanan. Nagbiro pa ako na kesyo kaya ko naman palang makipagbugbugan na ako lang mag-isa.

Dinaan ko sa pagsisinungaling at pagbibiro kasi doon naman ako magaling.

Pero kahit anong galing ko... hindi ko kayang gawin 'yon sa harap ni Aly. Parang sa tuwing susubukan ko, ipinaparamdam na niya agad sa akin na sinusunog na ako sa impyerno.

"Paano na lang ako kapag wala ka?" Tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan namin.

Pinag-usapan namin 'yong nangyari sa akin at napag-isip isip ko na, paano na nga ako kapag wala si Aly? Kasi 'yong sitwasyon na akala ko hindi ko matatakasan, natatakasan ko agad dahil nasa tabi ko si Aly.

"Hindi naman ako mawawala o aalis," sagot niya.

Tunog pangako noong narinig ko 'yong sagot niyang 'yon kaya pinanghawakan ko nang mahigpit at hindi naman niya ako binigo.

Holding On With Maybe (Holding On Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon