Nakarating ako, nang mai-park ko na ang sasakyan ay agad na 'kong bumaba habang dala itong bouquet of flowers na hinanda ko. Late na ako. Alam kong kanina pa nag-umpisa ang ceremony pero hindi ko alam kung tapos na ba siya sa pagbibigay ng speech. Sanay ay hindi pa, buong buhay akong masasayangan kapag hindi ko siya napanood at napakinggan sa mga sasabihin niya.
Sa paglalakad ko rito sa loob ng campus, pansin ko na ang laki na rin ng pagbabago. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Well, this day is the right time. I am here again not to teach or apply. I am here for my wife who's the guest of honor and speaker of this graduation I'm about to attend. Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. It's Sir Mark, katrabaho ko dati rito sa university.
"Sir Lean! Long time no see!" Lumapit siya sa akin and we had a fist bump. "Mabuti naman at naka-attend ka rito. Hindi ko alam. In-invite ka ni Dean Albay?"
Umiling ako. "No, I'm here for my wife's cousin, she's one of the graduates." Sagot ko at napatango siya roon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungong stadium na mayroong itong university pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Sir Mark. Nang makapasok ako, there, late na nga talaga ako dahil nagsasalita na siya. Hindi ko na napaumpisahan but at least, maririnig ko pa rin kung ano ang sasabihin pa niya. She's now in the stage giving her speech. And with what she is saying now, napapangiti na lang ako.
"Hindi ako 'yong tipo ng estudyante na matataas ang grades, matataas na scores ang nakukuha sa exams at quizzes. Ni hindi rin ako honor student dati. Kainis, hindi man lang sila nadala sa charm ko!"
Narinig kong sabi niya at narinig ko ring tumawa ang karamihan. Natawa na lang din ako nang kaunti, hanggang sa napailing-iling. Oh, Avianna.
Nandito ako sa bandang likuran, wala akong balak magpakita sa kanya habang nagbibigay siya ng speech niya. Madi-distract lang siya. At isa pa, she doesn't know that I'll come here. Ang alam niya, may seminar ako ngayon which is true. Out of town ako, galing akong Batangas at dito ako dumiretso. Pero ang alam niya, mamayang gabi pa ako makakauwi. Talagang mamayang gabi pa sana ako makakauwi but there's no way that I won't able to hear my wife's speech. I want to surprise her. At isa pa, gusto ko talagang mapakinggan ang sasabihin niya dahil wala akong idea kung ano.
Nag-expect nga akong magpapatulong siya sa akin sa sasabihin niya bilang siya ang kinuhang guest of honor and speaker sa batch na ito. Noong sinabi niya, I was impressed. Pati siya, hindi siya makapaniwalang kukunin na speaker sa graduation dito sa university na pinag-aralan niya dati. Sakto rin na batch ng pinsan niyang si Nerine. Pero hindi siya nagpaturo, pinaghandaan niya ito mag-isa. And I believe in her.
"Noon, mababaw ang perception ko pagdating sa buhay. Akala ko, noon, na basta mag-aral ka lang, magiging maayos na ang buhay mo in the future. Na basta gawin mo lang ang parte mo bilang estudyante, maaabot mo ang gusto mo."
Nagbago ang tono niya, naging malumanay. At malayo man ang kinaroroonan ko sa kanya, I saw how her lips form a smile. Isang bagay na gustong-gusto kong nakikita ko sa kanya. 'Yung ngiti niya. I don't know, everytime na malapit siya sa akin at nakangiti siya, para akong nawawala sa sarili. In a way na gusto ko na lang siyang titigan buong buhay ko.
"Lagi kong motto sa buhay ko, do your best. Sobrang common na ng motto na iyan para sa ating lahat. Kasi ayun naman talaga, 'di ba? Kung may mga pangarap ka, ibigay mo ang best mo. Kung may gusto kang maabot, gagawin mo ang best mo. Simula noong bata ako hanggang pagtungtong ko ng college, ayan ang nagmistulang panata ko sa buhay.. Hanggang sa malaman ko mali pala. Hindi do your best." Tumigil siya saglit. "When you study, don't do your best. Give your life. Sabi ng isang taong malapit sa akin."
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomansaAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...