15

363 11 2
                                    

"Wow, Avi, bagong gupit ah." Pagpansin ni Lesly sa buhok ko, ngumiti ako sa kanya.

Bagong gupit nga ako, ito, short hair at may bangs. Hindi naman akong mukhang Dora sa hairstyle ko, sakto lang. Ang dami na ngang pumapansin sa akin simula pa kahapon.

"Nagpagupit lang kami ni Nerine kahapon sa bayan. Wala, trip namin eh." Sabi ko sa kanya.

"Bagay mo, sana all bagay ang short hair." Sumunod naman si Elysa.

Nakakatawa ngang isipin kung paanong naisipan namin ni Nerine na magpagupit. Saturday night noong nandoon ako sa Rizal, may pinanood kaming Thai series, tapos natipuhan namin 'yong bida na babaeng na short hair at may bangs. At kinabukasan, nagpunta kami sa bayan. 'Yung dapat ay mamamalengke kami, hindi lang iyon ang ginawa namin. Nagpagupit kami roon sa salon na suki kami at kilala kami. Nagmukha tuloy kaming kambal pagkauwi.

Tuwang-tuwa sina Tito sa aming dalawa, sinabing mas magkapatid ang datingan namin. At si Lean naman, nang makauwi ako rito sa Quezon kahapon, hindi naman napansin ang hairstyle ko. Busy kasi siya sa kagagawa ng kung ano-ano. Napansin niya na lang noong naglalakad kami pauwi sa dorm pagkatapos ng klase.

Kainis, hindi lang napansin. Hindi niya rin ba napansin na mas gumanda ako?

"Nga pala, nasaan na ba si Rachel? Pupunta ba iyon dito?"

Mula sa libro ay unti-unti akong napatingin kay Elysa na siyang nagtanong.

"Ano ba ang sabi sa'yo, Avi? May duty ba siya?" Tanong naman ni Lesly sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko alam, na alam ko. Ang gulo pero isa lang, alam kong iniiwasan niya ako. At ito at dahil noong last week na nakita niya ako, nakita niya kami ni Lean na magkasama.

Dapat na ba akong kabahan? Dahil mukhang may nase-sense na siya, may napansin na siya. Mukhang may alam na siya, may alam na siya tungkol sa'min ni Lean at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo, kinakabahan ako dahil baka may pagsabihan na rin siya, 'di ba? Si Elysa, si Lesly. At nalulungkot naman ako dahil ramdam ko ang paglayo niya ng loob sa akin.

Napansin din ito ni Lesly, dahil kahapon, magkakasama kami pero hindi umiimik si Rachel. Tinanong pa siya ni Elysa kung ano ang problema pero umiling lang siya at malamig siya makitungo. Ramdam ko iyon. Kumusta naman ako sa lahat ng subjects na magkasama kami pero hindi niya ako kinikibo?

"Para talagang may problema 'yang si Rachel. Hindi naman sabihin kung ano." Ramdam ko ang pag-aalala ni Lesly. "Ikaw ba, Avi, wala ba siyang nasasabi sa'yo? Ikaw kasi ang kasama niya sa lahat."

Umiling ako. "Wala naman.." Sagot ko.

Oo, wala siyang sinasabi sa akin. Tama naman ako. Pero ramdam ko naman kung ano iyon, nagsinungaling ako. Nagi-guilty ako dahil ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Rachel. Kung bakit ay parang lumalayo siya sa akin, dahil pati sina Elysa at Lesly, nadadamay. Kasalanan ko, ako ang dahilan. Ano ang dapat kong gawin?

Sumapit ang last subject, mag-isa lang ako ngayon na tinutungo 'yong room namin para sa last subject na ito. Mula kaninang alas 5 na kasama ko sina Elysa, hindi ko pa rin nakikita si Rachel. Nakikita ko na lang siya sa tuwing klase namin pero kapag dismissal at vacant, bigla-bigla siyang nawawala sa paningin ko.

Nakarating ako sa room, napansin kong wala pa siya. Umupo ako sa bakanteng upuan na may katabi ring bakante para kay Rachel.

"Avi! Ang cute mo!" Pagpansin sa akin ni Krisha, dahil siguro sa buhok ko.

"Mas cute ka pa." Pagtawa ko naman.

Palinga-linga ako roon sa pinto, hinihintay ko si Rachel. Ilang saglit ay nakita ko na siya. Pagpasok niya ay nagtugma agad ang mga mata namin. Kumaway pa ako at sinesenyasan siyang umupo na rito sa tabi ko, pero parang hindi niya ako nakita. Diretso lang siya ng lakad at sa ibang gawi pumunta. Sa kabilang parte siya pumwesto, para naman akong napahiya roon.

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon