"Oy, girl, problema mo?"
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang kalabitin ako ni Lesly. Tinignan ko siya, at pati na rin si Elysa ay nakatingin sa akin. Parang kanina pa nila ako pinapanood na kanina pa ring nakatulala.
"Magbasa ka na nga riyan, may quiz tayo mamaya sa major." Sita sa akin ni Elysa at sumimangot ako, pero nagbasa na rin.
Yumuko at isinubsob ang sarili sa pagbabasa pero hindi ako makapag-focus. Kahit anong pagbasa at pag-memorize ko ng simple formula, hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yong kahapon ko pa iniisip. Kahapon, kagabi at hanggang ngayon. Na dapat hindi dapat!
Sino pa ba ang iniisip ko? Walang iba kundi ang bago naming professor, si Sir Leandro Esguerra.
Iniisip ko siya dahil shet, siya lang naman 'yong lalaking natarayan ko. Noong nasa CMA office ako, at noong nasa dorm ako. Namomroblema ako dahil mabuti sana kung student siya at walang problema kahit tarayan ko pa siya nang walang dahilan, pero hindi eh. Professor ko siya sa taxation, at natarayan ko nga siya nang walang matinong dahilan!
First meeting namin sa kanya kahapon, buti na lang at wala pang formal discussion na nangyari. Inalam niya lang 'yong last topic na naituro sa amin ni Sir Mervin, nagtanong-tanong lang siya. At buti na lang, mukhang 'di niya na ako nakilala.
Sana nga ay hindi dahil nakakatakot. Ang seryoso niya kasi eh, first impression ko. Pero hindi naman mukhang nakakatakot. Kilig na kilig nga mga classmates ko dahil, oo, may hitsura siya. At 'di mo talagang aakalain na isang professor, kundi para siyang college student kahit nalaman naming 26 years old na siya at CPA na.
First meeting, ang dami nang nagkaka-crush kay Sir. Idagdag mo 'tong si Lesly at Elysa na impit na napatili nang dismissal na namin. Makatili pa kaya sila riyan kung sabihin kong tinarayan ko 'yang crush nila? Kabahan naman sila para sa akin!
Relax, Avi, hindi ka na kilala nun. Hindi ka naman talaga kilala nun. At saka siguro, wala na lang 'yon. Maiintindihan niya naman siguro kung bakit ka nagtaray, eh kasalanan niya. In-snob ka niya sa dorm at binangga ka niya sa office.
Pero mali, kasi aminado akong kasalanan ko noong tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Ako kaya ang hindi tumitingin sa dinaraanan. At ako pa ang may gana magsungit? Ah, basta!
"Huhu." Sabi ko at sumubsob nang tuluyan sa librong nasa mesa rito sa harapan ko.
Nandito kami ngayon sa library, as usual, dito ang tambayan namin kapag vacant or walang prof. Ay, mali pala, lugar ng review-han. Si Rachel, nagjo-duty siya sa office kaya hindi namin kasama, scholar eh. Scholar din naman ako, kaso hindi ako nagjo-duty. Pero may mga times na tinatawagan kapag kailangan nila ng man power sa isang office or event na gagawin, ganoon.
"Hoy, huwag ka ngang magdrama riyan? Suko ka na?" Tanong naman ni Elysa sa akin at tumingin ako sa kanya.
Naisip ko, 'di ko pa pala nasasabi sa kanila na katabi ng room ko roon sa dorm ang bago naming professor sa taxation. Sabihin ko kaya? Nako, huwag na, ano naman sa kanila, 'di ba? Mas mabuting sila na lang ang mag-figure out nun, tutal, crush nila.
Ako? Hindi ko crush 'yon, kuntento na ako kay Sir Gerun. Char, may asawa na iyon eh. Pero si Sir Leandro kaya, may asawa na rin? O girlfriend pa lang kasi bata pa naman siya?
Tumuwid ako ng upo at lumingon kay Lesly na siyang katabi ko. "Les, may pang-data ka?"
Lumingon siya sa akin. "Oo."
"Pahiram naman phone mo. May iche-check lang ako sa FB." Sabi ko at pero kumunot ang noo niya.
Parang 'di siya naniniwala sa sinasabi ko. Parang sa tingin niya, may kalokohan akong gagawin. Itong babae talaga na 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/221978595-288-k979338.jpg)
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...