"Oh, nasaan na naman 'yong bata? Umuulan, eh nasa labas pa." Sabi ko kay Nerine nang makalabas siya mula sa kwarto niya at tinabihan ako rito sa sofa na mayroon itong sala.
"Hindi pa ba bumabalik? Eh, ikaw 'yong nandito, Ate." Sagot ni Nerine at mula sa laptop ay dumako ang tingin ko sa kanya.
Araw ng Sabado, malamang ay walang pasok. Pero heto ako, may report na ginagawa rito sa bahay. Dumako ang tingin ko sa labas, hindi na rin huminto ang ulan. Hindi malakas pero hindi tumitila. Kanina pang madaling araw ito, e. Pero wala naman daw bagyo.
Epic naman kung papasok sa trabaho na ganito, umuulan! Naiirita pa naman ako dahil naka-uniform ako nun. Malamang, tatalsik-talsik ang tubig sa akin.
"Ewan ko roon." Walang ideyang sagot ko at bumalik na ulit ang tingin sa ginagawa.
"Ate Avi, tumawag pala sa akin si Ate Ashley kanina." Bumalik ang tingin ko kay Nerine. "Ayun, nangangamusta lang."
Medyo natawa ako. "Alam ko namang hindi lang pangungumusta iyon." May pagkasarkastiko kong sinabi ko at nginusuan niya ako.
Alam kong alam niya ang gusto kong sabihin. Malamang, alam kong hindi lang naman pangungumusta sa kanya ni Ate Ashley ang sinasabi kapag tumatawag ito sa kanya. Kundi may isa pa, pagpilit kay Nerine na sumama na siya kay Ate Ashley at doon na tumira sa kanya.
Hindi na iyan maitatanggi sa akin ni Nerine dahil alam ko naman na. Alam ko na iyon. May isang beses nga na nagpunta rito si Ate Ashley sa bahay, pinag-eempake na si Nerine. Wala ako nun dito sa bahay, at ang nagsabi lang sa akin ng tungkol doon, 'yong batang kasama namin na madaldal at sumbungera.
"Ate, hindi ako aalis dito. Hindi. Kung aalis man ako rito, ayun ay dahil pinapalayas mo ako." Sabi niya at natawa ako roon.
May kaya ang napangasawa ni Ate Ashley, at oo, matatawag na rin siyang mayaman. At sinusuportahan ni Ate Ashley si Nerine financially. At ako, ito, sakto lang naman. Nakaahon na rin sa buhay kahit papaano.
"Ay, naalala ko pala, Ate. Si Addie, mukhang pinuntahan 'yong bago niyang kalaro. May dala nga siyang lapis at papel dahil magpapaturo raw siya ng math."
Kumunot ang noo ko sa sunod na sinabi ni Nerine. Ayung batang iyon? Magpapaturo ng math? Sa kalaro niya? Nagpapatawa ba iyon?
"Sa kalaro niya, magpapaturo?" Tanong ko at nagkibit-balikat siya.
"Ewan doon. Basta ang sabi niya, may bago siyang kaibigan na bagong lipat daw dito. Malapit lang daw dito sa bahay. Tapos magpapaturo raw ng math sa kaibigan niyang iyon."
Nagkibit-balikat na lang din ako at iba na lang ang pinagkwentuhan namin ni Nerine. Tungkol sa pag-aaral niya at tungkol sa kanila nung boyfriend niya. Sinabi na naman niyang hindi pa raw niya boyfriend. Hindi na iyon uso.
Sumapit ang alas 4 ng hapon nang matapos ako sa ginagawa ko. Ngayon, ka-chat ko si Sir Theo. Pangungumusta lang sa isa't isa at kinukumusta ko ang anak niya. Hanggang sa maisipan ko ring i-chat si Rachel, agad naman siyang sumagot. Hindi busy ang babaita.
Nakakalungkot lang isipin na hindi na naayos 'yong misunderstanding na namagitan sa amin ni Lesly noon. Hanggang ngayon, mayroon pa rin. Malamang dahil pagkatapos mangyari iyon, hindi na kami nagkausap. Si Elysa, nagkaayos kami, nagkaintindihan kami. Pero si Lesly, wala.
Ang sakit lang dahil ang tagal din ng pagkakaibigan namin ni Lesly, ang dami naming pinagsamahan. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko 'yong mga kalokohan namin sa isa't isa, pero nawawala naman ang ngiti ko nang maisip kong wala na iyon. Nabasag na ang alaalang iyon gaya ng pagkabasag ng pagkakaibigan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...