36

475 13 1
                                    

"Congrats sa promotion, Ms. Avi! Deserve na deserve mo. Sana all!" Pagbati sa akin ng isang katrabaho ko rito sa bangko.

"Thank you, Ma'am! Pinalad lang! Sigurado ako, susunod na rin ikaw." Nakangiting sagot ko rito at pareho kaming natawa pagkatapos.

Lumapit sa akin si Giselle, marahan akong tinulak na para bang mang-aasar o may sasabihin na namang tsismis sa akin. Mukhang ako dapat ang maki-tsismis dito. Kumusta naman siya sa buhay niya bilang may asawa na?

"Oh, ano? Buntis ka na ba?" Pabirong tanong ko sa kanya nang pabulong at pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Shet ka, hindi pa! Excited ka na yata maging Ninang, Avianna!" Sagot niya at natawa ako roon.

"Talagang excited na!"

Kasal na si Giselle, dalawang buwan na rin ang lumipas noong magpakasal siya sa boyfriend niya na sobrang tagal na ng pagsasama nila. Masaya ako, dahil sa wakas, nagkaasawa na siya! Naalala ko nga noong kasal niya, umiiyak siya sa akin. Hindi raw siya makapaniwalang may isang taong willing na makasama siya habang buhay. Habang siya, umiiyak, ako naman, tinatawanan lang siya. Habang umiiyak din.

At isang bagay ang nalaman ko noong dumalo ako sa kasal niya. Ang sarap pala manood ng wedding ceremony. At ang pinaka-nagustuhan kong part ay 'yong bigay an ng vows. Sobrang.. Sobrang sarap sa pakiramdam. Kahit hindi ikaw 'yong taong ikinakasal, nalulunod ka rin sa pagmamahalan ng dalawang taong pinapanood mo.

Naging tipid ang ngiti ko nang may maalala akong mga taong malamang ay.. ikinasal na rin.

Pasado alas 6 ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Dala-dala ang isang bucket of chicken na ni-take out ko sa isang fast food restaurant. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Addie na naririto sa sala, agad niya akong sinalubong ng yakap at halik. Natuwa naman siya sa dala ko.

"Wow! Fried chicken!"

Kinuha niya ito sa akin, sinabi kong huwag buksan at marumi pa ang kamay niya. Mukhang balak kamayin at papakin. Pero ang sabi naman niya, ipapakita niya lang daw. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hanggang sa matanto ko kung ano ang tinutukoy niya. Kung sino..

"Papa! Fried chicken ang ulam namin. Tignan mo! Bili ni Mama! Hmm, bango!"

Ka-video call pala ni Addie ang tatay niya, kausap niya. Kita ko kung paano ipakita ni Addie ang hawak niya at tuwang-tuwa siya. Inamoy niya pa, at para pang iniinggit ang kausap niya sa kakainin niya maya-maya. Habang nakikisosyo rin ang aso niya na katabi niya. 'Yung aso na bigay ni Lean sa kanya.

"Wow, you eat well, anak. Damihan mo ang pagkain mo para tumaba ka." Narinig kong sabi ni Lean sa kanya.

"Opo. Para healthy po ako. 'Di ba po, Papa?"

"Yes, that's my girl."

Six years old na si Addie at mas naging bibo siya. Kindergarten siya ngayon pero sa susunod na school year ay grade one na, ngayong taon din. Lumalaki na siya, unti-unti na siyang nagkakaroon ng isipan sa mga bagay-bagay. Pero ang isa ring sumagi sa isipan ko, kanina pa ba niya kausap si Lean? Teka, hindi pa ba ako nasanay? Hindi ba't lagi naman?

"Mama?"

Napakurap-kurap ako nang tawagin ako ni Addie. "B-Bakit, anak?" Tanong ko, sa pagkakaalam kong kausap pa rin niya si Lean. Kaharap niya.

"Gusto mo kausap si Papa?" Tanong niya at bago niya pa iharap sa akin ang tablet ay agad aking tumalikod para magpunta na sa kwarto.

"Addie, magpapalit na 'ko. Tapos kakain na tayo." Tanging sinabi ko sa anak ko. At sinigurado kong maririnig at maiintindihan iyon ni Lean. Para naman magpaalam na siya at ibaba na ang tawag.

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon