35

424 11 2
                                    

"Kinakabahan ka? Ulit?"

Napalingon ako nang sabihin iyon ni Lean, agad akong umiling. Pero tumango rin ako, bakit ko pa ba ide-deny?

"Huwag ka ngang kabahan, parang hindi ka naman na nakapunta roon." Sabi niya sa at marahang natawa.

Kinakabahan nga ako at bakit hindi? Pupunta kami ngayon sa bahay nina Lean. Ngayon na mismo, papunta na. Ako, siya at si Addie. Kasama ako! Nalaman ko na nakarating na paka ang Mama niya rito sa Pinas, at noong nakaraang araw ay humingi siya sa akin ng favor kung pwede bang ipakilala niya na si Addie sa Mama at sa ibang niya pang kamag-anak naroroon sa Pasig. Sa dati, nagpunta na rin ako roon dati. Pero kinakabahan pa rin talaga ako.

Akala ko, si Addie lang ang kasama niya sa pagpunta pero sinabi niyang sumama ako. Umayaw pa ako, sinabing bakit kasama ako? Pero napilit niya rin ako. At hindi lang basta pagpunta ang gagawin namin doon, doon kami magpapalipas ng gabi. Bigla naman akong nanlumo nang maalala kong.. nang maalala kong doon namin ginawa si Addie.

Aish! Naisip ko pa talaga iyon?!

Habang nagmamaneho si Lean, pasulyap-sulyap naman ako sa kanya. Nang mahuli niya ako ay dumiretso na lang ulit sa daan ang mga mata ko. Hanggang sa lingunin ko naman si Addie rito sa backseat. Ito, busy sa paglalaro sa phone ng tatay niya. Kaya hindi nagdadaldal.

Nanigas ako nang may isang palad na humawak sa kamay kong nasa ibabaw ng hita ko. Si Lean, bumalik ang tingin ko sa kanya, sa daan pa rin ang tingin niya habang nagmamaneho.

"Hoy, delikado. Nagmamaneho ka.."

Lumingon siya sa akin. "Mas delikado ka, nahulog nga ako eh." Sabi niya at napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya.

Totoo ba 'to? Bumabanat ang lalaking ito sa akin? Saan niya naman nakuha ang linyang iyon? Hindi ko mapigilan ang matawa at ganoon din siya. Hinigpitan niya ang hawak niya sa akin habang nagmamaneho pa rin. At hanggang makarating kami ay hawak pa rin niya ang kamay ko. Nawala ang kaba ko dahil doon.

Alas 6 ng gabi nang makarating kami. Nag-undertime na nga ako para rito at nag-file ako ng leave para rito. Hindi naman din kasi pwedeng sa weekend na lang magpunta dahil ang sabi ni Lean, sa ibang kamag-anak naman susunod na dadalaw ang kanyang Mama kaya ito lang ang tamang oras. Pati ang Lola ni Lean na si Lola Pricilla, nasaktong naririto na galing probinsya pa.

Hanggang sa makapasok kami ng bahay, hawak pa rin ni Lean ang kamay ko. Kung hindi sa kamay, sa likod ko naman napupunta. Tulad ngayon. At dahil doon, pakiramdam ko ay wala akong dapat ikabahala.

"Lean! Ito na ba iyon? 'Yung baby mo? OMG!"

Ang Tita ni Lean ang sumalubong sa amin at agad na nilapitan si Addie. Nakita ko pang hiyang-hiya si Addie dahil nakayakap sa beywang ni Lean pero sinabihan siya ni Lean na magmano siya at huwag siyang mahiya. Teka, kilala ko ang Tita ni Lean. Alam ko ang pangalan niya, nakalimutan ko lang.

"Avi?"

Agad na sumilay ang ngiti ko nang tawagin niya ako. Kilala pa rin niya ako! Samantalang ako, mukhang mas matanda pa ako rito kung malimutan ko ang pangalan ng Tita niya. Bumati ako hanggang sa mapansin na rin namin si Lola Pricilla at ng isa pang babae. Ito na yata ang Mama ni Lean.

"Anak.."

Nagmano kami kay Lola Pricilla, ang tanda na rin pala ni Lola. Lumapit ang Mama ni Lean sa kanya upang yakapin siya, niyakap naman ito pabalik ni Lean. At sunod na nangyari, ipinakilala niya si Addie sa lahat.

"Here's Addie, my daughter."

Pinakiramdaman ko ang reaksyon ng lahat, wala naman akong nakikitang iba kundi sabik at pagkaaliw sa bata. At ang pinaka-naaaliw ay ang Mama at Lola ni Lean. Silang lahat pala. Hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ko. Pero unti-unti namang bumalik ang kaba ko nang hawakan muli ni Lean ang kamay ko. Doon sumunod na tumuon ang atensyon ng lahat.

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon