Tahimik lang akong kumakain dito ng pasta na siyang isa sa mga handa ng pamilya ni Lean dito sa kanila. Hanggang sa mapatigil ako nang ilagay ni Lean sa plato ko ang dalawang stick ng banana cue, napatingin ako sa kanya.
"Binili ko 'yan kanina sa isang canteen na nadaanan ko. Mabuti nga, may benta sila niyan." Nakangiting sabi niya at tumabi ulit sa akin.
Ngumiti ako. "Salamat." Sabi ko sa kanya.
Alam niya na rin talaga na favorite ko ang banana cue. Gusto kong sabihin sa kanya kung bakit ay bumili pa siya nito, eh ang dami nang handa. Pero wala akong gana para sabihin iyon, at wala akong gana para kainin ito ngayon. Hindi ko iyon pinahalata.
"Oh, Christmas na pala! Merry Christmas!" Narinig kong sabi ng pinsan niya na si Kuya Spencer, ka-edad niya.
"Merry Christmas." Naririnig naming bati ng lahat sa isa't isa.
Napatayo kami ni Lean para lapitan ang mga Lola, Tito, Tita at mga pinsan niya para batiin ang isa't isa. Bumati rin ako sa kanila, malugod naman nila akong binabati pabalik at niyayakap. Pero nung kay Lola Martina na, isang mapait na bati lang. Hindi ko na iyon inintindi pa.
Nang malapitan ulit namin ni Lean ang isa't isa, sunod naman naming binati ang isa't isa.
"Merry Christmas, my love." Nakangiting bati niya sa akin.
"Merry Christmas din, Yanyan." Sunubukan kong tapatan ang ngiti niya.
Pero unti-unting nawala nang alam kong mapansin niyang hindi natural 'yong ngiti ko. Peke, sobrang peke. Sa kanya pa ba ako magpapanggap? Siya pa ba ang lolokohin ko?
"Tara, kain pa tayo. Gutom pa 'ko." Sunubukan kong lagyan ng sigla ang tono ko para hindi niya na ako tanungin at ako na ang humila sa kanya pabalik sa pwesto namin sa mesa kung saan ay kasama namin ang pamilya niya.
Alas 12 na nga, Christmas na, hindi ito 'yong oras at araw na magmumukmok ako dahil sa nangyari kanina. Ano ba ang tinutukoy ko? Wala namang iba kundi 'yong ginawa ni Lola Martina sa akin. 'Yung mga sinabi niya at 'yong mga inutos niya na hindi naman pala dapat gawin.
Sige, palalampasin ko ito. Dahil bukod sa Christmas, Lola ito ng boyfriend ko. At iintindihin ko na rin dahil matandang dalaga. Talaga lang, Avi, huwag ka dapat mag-expect na lahat ay magugustuhan ka. Sa school niyo nga, 3/4 nang nandoon ay ayaw ka. Na-relieve ako roon ah.
Ramdam ko ang pagba-vibrate ng phone ko, malamang ay mga mensahe ito galing siguro sa mga kaibigan, kakilala at kina Tito. Pero mamaya na, mamaya na 'ko babati sa kanila. At mamaya ko tatawagan sina Tita Mina, panigurado namang 'di matutulog nang maaga ang mga iyon. Pero si Tito, ewan ko lang.
"Oh, tara, tara, mag-picture tayong lahat para may remembrance tayo. Lalo na't espesyal ngayon dahil kasama natin ang girlfriend ni Lean na unang dinala niya rito." Sabi ni Lola Pricilla at nag-ayie ang dalawang pinsan niya.
Napangiti lang ako habang kinikilig. Kinikilig dahil kahit papaano ay ramdam ko ang pagtanggap nila sa akin, ramdam ko ang gaan ng pakikisama nila.
Nagpatuloy kami sa pagkain at kwentuhan pero ilang saglit, nagpaalam na si Lola Martina na matutulog na dahil inaantok na. Ewan ko ba pero natutuwa ako na wala na siya rito. Kahit kasi Pasko, ramdam ko 'yong init ng mga tingin niya sa akin.
"Nga pala, hindi naman sumakit 'yang mga braso mo, hija?"
Napatingin ako sa nagsalita, si Tita Eli, tinatanong ako. At tumingin kay Lean, nakatingin din siya sa akin at parang nagtataka sa tinatanong ng Tita niya.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...