"Grabe, ilan ang grade ninyo kay Sir Gerun sa intermediate?" Tanong ni Lesly nang makababa kami rito sa second floor.
"65." Sagot ni Elysa at hindi na bago. Ang taas ah!
"71." Sagot naman ni Rachel kaya mas humanga ako. Syempre, siya pa ba? Eh, halos tapatan niya na si Sir Gerun sa katalinuhan.
"Ako, 60 flat!" Sabi naman ni Lesly at okay na rin, kalahati so pasado.
"Ikaw, Avi?" Tanong naman nila sa akin.
Kinawayan ko muna pabalik ang taong kumaway sa akin sa malayo, dati kong kaklase, bago sumagot.
"54." Sagot ko at napatingin sa kanila.
Mukha na naman silang disappointed pero para sa akin ay okay lang. Ayun lang talaga ang kaya ko. Tsaka, masaya na ako, 'no! Pasado 'yon! 50, kalahati, pasado pa rin.
Hindi na sila nagsalita, nginitihan lang nila ako. Alam naman nila na mahina talaga ako sa accounting. Ba't ko ba kasi pinasok 'tong course na 'to? Char.
Hindi, gusto ko rin kasi talagang maging CPA. Ganyan kataas. Pero ayun nga, alam kong kahit pasado, dapat 'di pa rin ako makampante. Lalo na't may quota sa last term. Hindi porke't 50 ang average ay pasado na. Kailangan kong maka-65 sa average para maging qualified akong BSA pa talaga for next sem.
Sa dalawang intermediate accounting lang naman ako medyo nawawaley eh. Pero sa iba, okay na. Sa law, sa financial, at sa minor subjects na, syempre.. At sa taxation, okay lang din naman.
"Eh, sa taxation? Ilan ang grade niyo?" Ako naman ang nagtanong dahil sa alam kong ako 'yong nakaangat sa tatlong ito. Syempre, magyayabang din naman ako.
"64." Sagot ni Elysa.
"62." Sagot naman ni Lesly.
"71." Sagot naman ni Rachel. "Eh, ikaw?"
"75." Sagot ko sa kanila at napapalakpak sila sa sobrang gulat.
Pero seriously, nagulat din ako. Ang taas naman! From 69 noong first term, ngayon naman ay 75! Iisipin kong mukhang high grader si Sir Leandro.
Hanggang sa maalala ko na naman siya.
Oo nga pala, hindi ko iyon makakalimutan. Lahat na lang ata ng nangyayari na basta involved siya, 'di ko nakakalimutan eh. Binabalik-balikan ng utak ko, parang gustong mag-flashback.
Pero ang paulit-ulit talaga na naiisip ko ay 'yong banana cue at may note na galing sa kanya. Alam kong galing sa kanya 'yon, magpapaka-mangmang pa ba ako? Tsaka L, L for Leandro. At siya lang naman ang may ganang magbigay sa akin nun dahil ganoon din ang ginawa ko sa kanya noong binigyan ko siya ng banana cue.
Napangiti lang ako kasi nag-sorry siya, nag-sorry na siya sa akin. 'Yung iniisip ko noong nakaraang mga araw lang na kung magso-sorry man siya sa akin dahil sa ginawa niyang pagpapahiya, gusto ko 'yong mahihiya rin siya. Pero ngayon, kahit ako lang ang nakakalaam nung pagso-sorry niya, okay na, napatawad ko na siya.
"Hoy, Avi, ba't ka nakangiti riyan? Kinikilig ka ba?" Tanong ni Lesly sa akin nang bungguin niya ako gamit ang balikat niya sa balikat ko.
Nakarating na kami rito sa classroom namin para sa next subject namin. Nangangamoy wala na namang klase dahil may event na mangyayari eh, at sobrang busy ng CMA department dahil team competitive sila. May competition atang magaganap.
"Guys."
Napatingin kami sa kumuha ng atensyon naming lahat na nandito sa room. Hayan na, 'yong class mayor naming si Krisha. Mukhang may announcement.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...