"Boyfriend, huh?"
Kumunot ang noo ko sa nag-text sa akin, hanggang sa manlaki ang mga mata ko dahil alam ko kung sino ito. Si Sir Lean ito, alam ko.
Paano mo nakuha ang number ko?
Pag-reply ko at hindi naman nagtagal ay sinagot niya agad.
"I have my ways."
Agad ko nang sinave ang number niya. Ang contact name niya ay Yanyan, mas pinaikli ko pa 'yong nickname niya na Lean. Napangiti pa ako habang nagta-type ng reply ako.
To: Yanyan
Stalker ka talaga, Sir!
From: Yanyan
Pero boyfriend? Sinabi mong boyfriend mo ako?
Jusko, hindi niya pa makalimutan iyon? O kahit isawalang-bahala na lang. Pero paano niya ba iyon makakalimutan, eh kanina lang nangyari iyon! At maski ako, hindi ko rin makalimutan iyon. Hiyang-hiya ako, bakit ko ba iyon nagawa?
Kanina, kanina noong nagpunta ako sa CMA office, ibibigay ko sana kay Sir Lean iyong banana cue na binili ko para sa kanya pero ang naging ending ay nanood ako sa away na nangyari kanina sa pagitan ni Sir Lean at ng ex niya.
Pero hindi lang pala panonood ang nagawa ko, kundi nakisama pa talaga ako sa away nila. Hindi ako umawat, kundi sumama talaga sa eksena. Nagkaroon ako ng papel sa away nila.
To: Yanyan
Sorry na po, Sir! Gusto lang naman kitang ipagtanggol.
Nakangusong type ko pa, at totoo iyon. Gusto ko lang naman siyang ipagtanggol kasi nainis lang ako sa ex niya! Kita mo 'yon? Nagpunta roon sa school para guluhin si Sir Lean! Eh, kung may makakita na kahit sino, edi ma-issue pa si Sir, 'di ba?
Bwisit na babae 'yon, ginugulo si Sir! Tsaka nakakatawa, first time kong makakita ng babaeng nagmamakaawang balikan siya, at sinabi pa mismo ng babaeng iyon na alam niyang mahal pa raw siya ni Sir Leandro. Ang kapal!
Edi nakisama ako, sinabi kong boyfriend ko si Sir para tantanan na siya at huwag nang guluhin pa si Sir Leandro. Asar 'yong ex niya.
From: Yanyan
She's not my ex anyway.
Nanlaki pa ang mga mata ko sa sunod na sinabi niya. Hindi niya iyon ex? Sino ang maniniwala sa kanya? Edi sino naman iyon? Fling niya?
"Talaga ba, Sir?" Sambit ko habang tina-type iyon.
Medyo napatawa na lamang ako, nakakatawa talaga dahil pader lang ang pagitan naming dalawa. Pwede naman naming pag-usapan ito nang personal. Pero ayaw ko nga! Dahil hiyang-hiya ako sa ginawa ko kanina.
Naibigay ko pa naman kay Sir 'yong banana cue kanina nang umalis ang ex niya. Pero pagkatapos kong maibigay ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Hindi ko na siya matignan sa mga mata.
At hanggang sa klase ko na sa kanya, mabuting nakapag-focus pa ako sa quiz namin. Pero sa discussion niya, nakikinig lang ako. Nakikinig ako sa kanya habang sa libro ako nakatingin. Hindi kasi ako makatingin sa mga mata niya dahil sa sobrang hiya.
Mabuti rin at hindi ako natawag sa recitation, hindi niya ako tinawag dahil kung magkataon man na tawagin niya ako, I swear, kahit madali pa ang tanong na ibigay niya sa akin ay hindi ko iyon masasagot sa sobrang hiya sa kanya na nararamdaman ko, hanggang ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/221978595-288-k979338.jpg)
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...