Kanina pa ako rito laro nang laro ng lapis na hawak ko habang tulala lang sa librong nasa harapan ko. Ito, tulala, hindi na naman ako makapag-focus na dapat ay ginagawa ko dahil kailangan kong gawin! Kung hindi ako mag-focus sa pagre-review ngayon, parang hindi naman exam week!
"Hoy." Kalabit sa akin ni Rachel kaya para akong nagising bigla. "Ayos ka lang?"
Tumango ako at itinuon ulit ang atensyon ko sa librong binabasa ko, kahit hindi naman talaga. Nabasa ko na kaya ito noong nakaraang araw pa.
"Halatang hindi, eh bakit mo pa binabasa 'yang cost accounting, kahapon pa natin 'yan tapos i-take, girl. Gusto mo mag-part 2?"
Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya, hanggang sa mapalunok ako at agad na isinara ang libro ko. Shet, bakit ito ang binabasa ko at bakit ko pa pala ito nadala? Sobrang bangag ka talaga, Avi!
"Ay, chini-check ko lang, hindi naman ako nagbabasa rito, ano." Pagrason ko para hindi naman siya ma-weirdo-han sa ginagawa ko.
Pero sa loob-looban ako, ako naman ang nawe-weirdo-han sa sarili ko. Ang weirdo ko nga. Imbes na dapat ay kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil exam week, wala eh. Para akong genius dito na wala lang kung isipin na exam week namin ngayong week.
Eh, nakapag-take na nga ako ng mga ibang subjects ko na walang kahit anong kaba na naramdaman. Syempre, nag-aral ako, e! Nag-aral... Mag-isa.
Sa pag-aaral ko nga, mag-isa lang ako. Nagre-review akong mag-isa roon sa dorm. Mag-isa ako dahil hindi kami bati ni Lean. Dahil pa rin sa nangyari last week. Noong gabi na nagkasagutan kaming dalawa.
Kaya ako lang mag-isa ang nag-aral, walang Lean na nagtuturo sa akin, walang Lean na medyo nagsusungit kapag mali ang sagot ko sa sinasagutan ko. At higit sa lahat, walang Lean na nakakatabi ko roon sa kama at nayayakap. Eh, magkaaway nga kami!
"LQ?"
Napatigil ako sa sunod na tanong ni Rachel at napatingin sa kanya. Hindi ako sumagot at ngumuso lang, natawa siya roon. Mukhang nakuha niya ang sagot ko.
"Hindi naman dahil sa akin, 'no?" Umiling ako bilang sagot sa kanyang tanong.
Pagkatapos ng gabi na iyon, hindi niya na ako kinatok. Hanggang umaga, hindi na rin niya ako kinatok at hindi kami nagsabay sa paglalakad patungong school. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagsasabay sa paglalakad sa school, hanggang sa pag-uwi.
Pero pagsapit naman ng hapon na iyon, umuwi akong may nakalapag na paper bag sa tabi ng pintuan ko. Dalawang paper bag. 'Yung isa, 'yong binili niya para sa akin na yellow pad at sticky note. At 'yong isa naman, dalawang banana cue. Kinuha ko, patay gutom ako eh. Pero hindi pa rin kami nag-usap at nakapagkita after nun.
Nakikita ko siya rito sa school, pero mukha siyang busy. Kahit gustuhin ko namang silipin siya roon sa office, hindi naman pwede dahil bawal ang students sa office kapag exam week. At hindi na rin muna kami nagpapalitan ng mga text kahit nag-a-assume ako na magte-text siya sa akin. Pero wala, e!
"Eh, ano ang pinag-aawayan ninyo?" Tanong ni Rachel at sinara ang libro niya para ako ang pagtuunan ng pansin.
"Hindi naman siya ganoon na away." Mahinang sabi ko.
Ano nga ba 'yong pinag-awayan namin? Ah, 'yong dati niyang schoolmate na nakita namin sa bookstore. 'Yung ipinakilala niya ako bilang estudyante niya, hindi bilang girlfriend niya! Ang laking issue, ano? Ito, pumuputok na naman itong butsi ko sa sobrang inis.
Nakakainis kasi, gusto ko lang naman na sabihin niyang girlfriend niya ako. Siguro naman ay hindi isyu iyon sa kanya dahil dati niya lang na schoolmate iyon at hindi naman ako kilala kaya okay na sabihin. Sana naman ay naisip niya iyon. O kaya hindi niya sinabing girlfriend niya ako dahil nakakahiya ako bilang girlfriend niya. Dahil sa pagiging immature ko na siyang sinasabi niya.

BINABASA MO ANG
Until The Sunset
Roman d'amourAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...