"May seminar pala bukas. Kainis, kaya 'di makauwi-uwi eh." Reklamo ko sa mga kausap ko through video call.
Narinig ko ang pagtawa ni Lesly. "Hindi ka aware, Avi? Napagkwentuhan natin ito kanina ah." Sabi niya.
"Wala, naisip ko lang."
"Para namang uuwi ka, eh, ang sabi mo, pagkatapos ng exams ang uwi mo sa inyo." Singit naman ni Rachel at ngumuso na lang ako dahil sa inis na nararamdaman ko.
Ewan ko ba, basta naiinis ako. Feeling ko, ang bigat ng week na ito. Na imbes pahinga na bukas, wala, may seminar eh! Thank God it's Friday na sana, pero naudlot pa.
"Red days, Avi?" Tanong naman ni Elysa sa akin at umiling ako.
"Ah, alam ko na. Siguro, 'di pa rin maka-move on kay Sir Leandro itong si Avi." Sabi pa ni Rachel at nag-react pa ang dalawa na mukhang ito ang magiging center ng usapan namin ngayon sa group video call.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, gulat na napasama si Sir Leandro sa usapan namin! Paanong nakasama siya? At ano? Anong hindi ako maka-move on?!
"Ano 'yang pinagsasasabi ninyo?!" Tanong ko sa kanila at tinawanan lang nila ko.
Hindi ko alam itong gusto nilang sabihin pero kung ano man ang trip nila, wala ako sa mood makisabay. Badtrip na nga ang tao, inaasar pa lalo. Pero ano ba ang mayroon kay Sir Leandro na sinasabi nila? 'Yung kahapon ba?
"Kami 'yong hindi maka-move on sa nangyari kahapon. 'Yung pagsagot mo kay Sir Leandro nang magaling at nakaka-amaze na sagot, Avianna!" Sabi ni Elysa at humiyaw pa.
Hindi nga sila maka-move on, para silang timang na manghang-mangha sa akin kahit sinabi kong memorized ko lang 'yong sinabi ko. Pati tuloy 'yong mga ibang classmates ko, tinutukso na ako. Tsamba lang naman 'yon.
Pero seryoso, 'di ko rin naman ini-expect na makakasagot ako at nagustuhan ang sagot ko. At mas lalong 'di ko ini-expect na matawag ako sa recitation for the first time na 'di ko man lang na-feel.
Pero okay na, nakasagot na ako. Sana naman, 'di na ako matawag.
Pero nakakahiya talaga. Grabe 'yong kaba ko kahapon, abot hanggang nursing building. Pero buti na kang talaga, may utak din naman ako kahit papaano.
Pero ayaw ko pa rin si Sir.
Tsaka, kaya niya ako tinawag nun, siguro ay bumabawi siya sa akin. Oh, ayan, nakabawi na siya! Sana 'di na maulit pa.
Speaking of Sir, kailangan ko palang pigilan ang mga bunganga ng mga ito kababanggit sa pangalan ni Sir Leandro dahil katabi ko lang ang room ni Sir. Eh, pader lang ang pagitan!
"Ayan, sana ganyan ka na lagi, Avi ah! Ang galing mo kahapon ah. Dapat sa ibang subjects din." Sabi ni Rachel at nag-thumbs up.
Hay, nako, nakakakaba naman 'yong sinasabi ni Rachel. Para tuloy nag-e-expect siya sa akin. Eh, sabing tsamba lang 'yon!
Lifeblood ng taxation, basic!
Ilang saglit ay nagpaalam na ang isa-isa sa amin. Alas 10 na rin ng gabi. Kanina, ka-video call ko sina Tito at Tita, pangungumusta ulit. Tapos tinanong nila 'yong tungkol sa tuition ko. Hindi pa nga ako nakakapagbayad para sa term na 'to.
Nasa 1,500 na lang din ang naiwan sa akin. Pero sakto, magpapadala naman ang Mama ko sa akin next week, sinabi rin nila Tito ang tungkol diyan. Sana nga mas mapaaga para makapagbayad na ako. Ang haba na rin kasi ng pila sa teller.
"Hay." Pagbuntong-hininga ko.
Tapos naaliw na naman ako sa paglalaro ng mga paa ko sa double deck na kinahihigaan ko. Itinaas ko ang paa ko at doon inaliw ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomansaAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...