34

469 8 2
                                    

"Mama! Takbo ka bilis! Habol ka na ni Papa!"

Hawak-hawak ko si Addie, tumatakbo kami rito sa espasyo ng sala kung saang sulok ang matipuhan naming puntahan. Mali pala, sumusunod lang ako kay Addie. Hila-hila niya ako at nagpapahila lang ako sa kanya kung saan man siya magpunta.

At si Lean naman, tulad ko ay nakikipaglaro rin kay Addie. Sinusunod kung ano ang gustong gawin ng bata. Araw ng Sabado at pareho kaming walang trabaho kaya nandito kami sa bahay. Pero kahit may trabaho naman, nandito pa rin siya. Dito siya umuuwi sa amin. Tinotoo niya na hindi niya na kami iiwan ni Addie. Mahigit isang linggo na rin pagkatapos noong gabing pumarito siya at sabihing.. mahal niya ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala, kahit anong rason para hindi paniwalaan? Ang bilis ng mga pangyayari. Ang daming katanungan sa isipan ko sa dami nang nalaman kong ngayon ko lang talaga nalaman. Una, nalaman kong nakapag-usap pala sina Tito Teddy at Lean bago pa man ako bumalik sa kanila noon. Tapos ang sabi ni Nerine, ipinapaalam ako ni Lean na pakakasalan ako at hindi pumayag si Tito.

Hindi ko masisi si Tito kung bakit ay hindi siya pumayag, at sabi ni Nerine, hindi siya pumayag dahil ayaw niyang mawala ako sa kanila. Sa haba ng mga taon na inisip kong pagpapahirap at sakit lang ang ibinigay ko kina Tito pagkatapos kong magsinungaling sa kanila sa ginawa ko, ngayon ko mas naramdaman 'yong pagmamahal nila sa akin.

Nakakagalit, nagagalit ako mismo sa sarili ko dahil 'yong pagsisisi ko sa sarili ko na ako 'yong dahilan kung bakit nawala sina Tito at Tita nang maaga sa amin, nadala ko pa kay Addie. Naiparamdam ko pa sa kanya. Kaya noong sinabi ni Mikaella na darating 'yong araw na maiisip ni Addie 'yong mga nagawa ko sa kanya, tatanggapin ko kung ano man ang idulot sa akin nun. Kahit ngayong na masasabi kong maayos na ang lahat, nangangamba pa rin ako. Magagalit man siya sa akin balang araw, hindi naman ako magsasawang humingi ng tawad sa kanya.

Dala-dala ko ang niluto kong banana cue, nagpunta na ako sa mag-ama para ibigay sa kanila ito. Alas 3 na rin ng hapon, oras na para magmeryenda.

"Wow! Saging!" Namamanghang sabi ni Addie at kumuha agad para kumain.

"Saglit lang, pinupunasan ko pa ang likod mo, anak."

Parang bumilis ang tibok ng puso ko sa huling salitang sinabi ni Lean. Kahit ilang beses ko naman nang naririnig, parang iba pa rin sa pandinig ko. Iba pa rin ang dating.

Umupo ako sa tabi nila. Nasa gitna namin si Addie. Kaming tatlo lang ang nandito sa bahay, wala si Nerine dahil may pasok at balak niyang bumisita kay Ate Ashley.

Pinapanood ko lang si Lean na pinupunasan ang likod ni Addie, nataranta naman ako nang biglang dumapo ang tingin niya sa akin. Hanggang sa tignan ko siya ulit, nakangiti na siya sa akin.

"Ah, magmeryenda ka na rin. Banana cue." Alok ko sa kanya habang hindi mapakali ang kamay ko at kinailangan kong idapo sa buhok ni Addie para may malaro.

"Ikaw, kumain ka na rin." Alok din naman niya sa akin at tumango lang ako.

Umiwas ako ng tingin nang mapansin kong nagtititigan na kami, ilang saglit ay napansin ko siyang kumuha ng banana cue at kumain. Bigla kong naalala, ang dami nga palang alaala ang banana cue para sa aming dalawa.

"Ito 'yong the best banana cue na natikman ko buong buhay ko." Narinig kong sabi niya at hindi ko na napigilang lingunin ulit siya.

"Anong klaseng biro iyan? Eh, saging at asukal lang naman ang rekado niyan." Natatawang sabi ko sa kanya at natawa na rin siya.

"The best ito dahil the best din 'yong nagluto."

Kinailangan kong mag-make face dahil mukhang tatablan ako sa banat niya. Ano ba, Lean? Trenta ka na, 'di ba? Trenta plus na?!

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon