"Shet." Mura ko sa sarili ko nang maalala ko na naman ang nangyari kahapon.
Ang tinutukoy ko ay 'yong pagpunta ko sa rooftop nitong dorm, 'yong nagpunta ako roon, umiiyak ako. Tapos.. Tapos si Sir Leandro, nandoon din.
"Ah, nakakahiya ka talaga, Avi!" Sabi ko pa sa sarili ko at sinubsob ang mukha sa unan ko.
Gabi na, kanina pa ako nagre-review pero natigil lang ulit nang magmuni-muni na naman ako tungkol sa nangyari kahapon. Teka, bakit naman pala ako nakakahiya?
Eh, umiiyak lang naman ako nun, tapos inakala kong siya pa si Kyle. Pero teka ulit, bakit siya nagpunta rin doon? Sinundan niya ba ako?
Wow, Avi. Ang feeling mo. Sino ka ba?
Napatingin ako sa panyo na nakasabit sa hanger na kanina lang ay nilalaba ko. 'Yung panyo na iniabot sa akin ni Sir Leandro kahapon sa rooftop. Nagtataka lang ako. Basta, nagtataka ako.
Nagtataka ako dahil naisip ko ngayon, sa lahat ng ginawa ko sa kanya, puro kabutihan ang binabalik niya. Eh, tinarayan ko na nga siya noong una, sinungitan, pinahiya pa ang sarili ko sa harap niya, pero kabutihan ang binabalik niya. Siya ang nagbayad ng binili kong meryenda noong Sabado, tapos pinahiram niya sa akin itong panyo niya.
Nagi-guilty na ako. Kasi idagdag mo pa 'yong pinag-iisipan ko siya nang masama. Madalas.
Bukas, makikita ko na naman si Sir sa subject ko sa kanya. Plano kong ibalik itong panyo niya at 'yong nilibre niya sa akin. Pero naisip ko, mukhang ang pangit tara na ibabalik ko pa 'yong pera niya, hindi niya naman na yata pinapabalik eh. Kumbaga, parang libre niya na sa akin iyon.
Wow, Avi. Sinabi niya? Sinabi niya?
Hay, basta.
Inabot ko na lang ulit 'yong libro ko at nagbasa. Palapit na nang palapit ang exams, kabado na ako. Sana naman ay tsumamba ako sa mga multiple choice. At sana kumahalati sa grades! Zero-based kasi sa university na pinapasukan ko, at ang passing ay kalahati.
At oo nga, palapit na nang palapit ang exams, wala pa rin akong permit. Si Mama, nag-reply sa akin. Ang sabi, made-delay daw ang kuha niya sa sweldo niya kaya male-late ako ng pagbabayad sa tuition ko for this term. Iniisip ko kung sino ba 'yong mga prof na istrikto na sumusunod "no permit, no exam" policy.
Sa totoo lang, hindi kaya pwede 'yon! Sumbong ko kaya sila sa CHED. Joke lang.
Pero wala naman akong magagawa kung ma-kick out ako sa klase dahil sa wala pa akong permit. Pero wala pa namang time na nangyari iyon sa akin. Kaya ang gagawin ko na lang ulit, gamitin itong charm ko para payagan akong mag-exam kahit walang permit.
As usual, magmamakaawa at sasabihing to follow na lang ang permit ko. Last na nangyari ito ay last year, nag-survive naman ako. Ayun talaga 'yong walang-wala pa talagang pera.
Nang magsawa na ako sa pag-aaral, inabot ko na ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Ang daming messages, lalo na sa iba't ibang GC sa bawat subjects namin. Pero ang ginawa ko, nagpunta sa FB.. Para i-search si Sir Leandro.
Ganoon pa rin, limitado lang ang nakikita ko. Grabe, DP pa lang ni Sir, nakakatawa lang. Ganitong-ganito kasi tingin niya in person. Ang seryoso.
Tinignan ko mutuals ko sa kanya, ah, may mga ilan. Mga kaklase ko, mga prof, at nakita ko si Lesly na friend na niya na rin si Sir. Ang bilis ng babaeng 'to! Bumalik na lang ulit ako sa pagtingin sa DP niya, hanggang sa maisip ko. I-add friend ko kaya si Sir? Ia-accept niya ba ako?
Nako, Avi, huwag na at baka ma-reject ka lang.
So ano naman? Edi wow.
Papindot-pindot ako sa kung ano ang makita ko dito sa timeline niya hanggang sa mag-hang ang phone ko. Nairita ako, pinagpipindot ko. At nang mag-function na ulit, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nag-friend request ako kay Sir Leandro. Accidentally.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...