07

363 13 0
                                    

"Bakit ka nakapikit?" Narinig kong tanong niya.

Nakakahiya kasi, buti na lang talaga, hindi ko naituloy 'yong pagsigaw ko nang gumapang siya palapit sa akin para ayusin 'yong unan.. At hawakan ang legs ko para itaas ang mga paa ko sa kama. Nakakainis kasi, ba't 'di siya nagsasalita?

At bakit 'di man lang niya sinabing hihilutin niya ako kaya niya ako kinatok sa room ko? Bigla-bigla na lang akong binubuhat! Kung 'di lang talaga siya gwapo, sisigaw ako!

Charing, pero nagulat talaga ako.

"Wala akong gagawin sa'yo maliban sa hihilutin ko ang pilay mo." Sabi pa ni Sir kaya unti-unti ko nang binuksan ang mga mata ko.

Dito sa kwarto niya na katabi ko, tulad noong akin, dalawa ang kama pero wala rin siyang kasama rito. Mag-isa lang din siya rito.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang paglalagay ng ointment niya sa mga palad niya at kinuha ang paa ko kung saan nandoon 'yong pilay sa pagkakatapilok ko. Napa-aray ako nang hawakan niya.

Ang weird ni Sir ngayon. Totoo ba 'tong nakikita ko ngayon? Bakit naman niya ako kailangan pang i-masahe? Responsibilidad niya pa ba 'to? Seryoso ba 'to? Nakakagulat sa sobrang weird.

Tumikhim ako. "Sir, bakit mo pa ako minamasahe?" Tanong ko.

"Kailangan, alam ni Ma'am Albay ang tungkol dito. Alam kasi niya na magka-dorm tayo. She asked me kung pwede raw ba kitang i-check." Sagot ni Sir nang hindi nakatingin sa akin.

Ano ba 'yon? Pati ba naman dorm ko, alam ng dean namin. So parang kalat na talaga ang tungkol sa pagkakatapilok ko. Iniisip ko, siguro maraming nag-aalala sa akin ngayon, pero mas maraming natutuwa.

Tapilok lang 'yan, girl!

Pero iniisip ko, maniniwala ba ako sa sinasabi ni Sir Lean? Maniniwala ba ako? Oh, sige, maniniwala akong sinabi ni Ma'am Albay na i-check ako. Edi i-check lang sana ako, pero ba ang nangyayari ngayon? Ito, kumbaga sa checking ng testpaper sa problem part, hindi lang basta check! With correct answer and solution pa!

Kasi ang naisip ko, baka bumabawi sa ginawa niya sa aking pagpapahiya. Pero ang feeling ko naman. Syempre, prof ko siya, second family ko siya kaya responsibility niya ako.

O kaya naman sadyang mabait lang itong si Sir Leandro, baka naawa siya sa akin kaya ito.

Gusto kong maduwal sa huling naisip ko.

Napatitig lang ako sa kanya habang minamasahe ako. Ang awkward, hindi kasi siya nagsasalita. Magsasalita lang kapag tatanungin ko. Ayaw ko na rin naman magsalita, nahihiya rin kasi ako.

Sa pagtitig ko sa mukha ni Sir, na-realize ko na, oo nga. Kahit sinong babae, magkakaroon ng crush kay Sir. Ang pogi rin kasi, ang lakas ng appeal. Ilang beses ko na yatang nasabi 'to. And take note, CPA pa siya!

Pero no, 'di ko pa rin siya crush. Never! Nagwagwapuhan lang ako sa kanya, okay?

Pero in fairness, ang galing ni Sir magmasahe. May ibang talent. Buti na lang, nakapag-shower na ako. Nakakahiya naman kasi kung hindi pa, baka hindi niya na ituloy ang pagmamasahe sa akin dahil sa amoy pawis ako sa school kanina.

Ang galing ni Sir. Ang sarap niya, ang sarap niyang magmasahe. Pinipigilan kong umungol dahil baka malaswaan siya sa akin kaya napapakagat ako sa lower lip ko.

"Grabe, Sir! Ang sarap mo pala!" Sabi ko sa kanya at lumingon siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nasabi ko. "...mo palang magmasahe."

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon