"Happy birthday to you.."
Huling linya ng pagkanta namin, nakangiti kaming lahat habang nakatingin sa kanya. Ang tagal naman magpasalamat ni Ma'am Bernadette, nagugutom na 'ko. Gusto ko nang tikman 'yong pa-blowout niyang pizza rito sa amin.
"Thank you, guys. Thank you, buti na lang at sweldo natin kahapon dahil hindi talaga ako magbo-blowout kung hindi." Sinabi ni Ma'am sa amin at lahat kami ay natawa.
Para namang hindi talaga makaka-blowout itong si Ma'am Bernadette, edi na-issue na naman itong nagrereklamo sa kasungitan niya rito sa bangko. Kanina nga, nakakatawa. Naninibago kaming ang ganda ng mood niya. Well, birthday niya. At sinabi ng mga ilang kasamahan ko rito na sana ay lagi niya nang birthday para good mood. Natawa na lang ako.
Pero kung ako rin naman ang tatanungin, Sana nga, para naman hindi nakakatakot i-approach itong si Ma'am sa tuwing may ipapa-audut kami.
"Ang ganda niyo pala kung nakangiti, Ma'am!" Pagpansin na ni Giselle kay Ma'am at unti-unti nang nawala ang ngiti ni Ma'am Bernadette.
"Ngayon lang 'to, bukas, baka paringgan mo na ulit ako."
Natawa na lang ulit kaming lahat. Pero 'yong totoo, masungit man itong si Ma'am Bernadette, mabuting tao naman. Tsaka isa pa, 57 na pala sila.
"Oh, sige na. Kumain na kayo't ayan lang naman ang hinihintay ninyo. At para makauwi na rin ako dahil may hinanda rin 'yong mga anak at asawa ko." Sabi pa ni Ma'am at kinantyawan namin siya.
Nagsimula na kaming kumain, parang ngayon lang ulit ako nakakain nang walang oras na hinahabol. Gabi na rin, sa totoo lang ay dapat ay pauwi na ako. Pero dahil birthday ng isang workmate namin dito sa bangko, kailangan manatili para naman ipagdiwang ang birthday niya na kasama kami.
Sarado na rin ang bangko pero kumpleto pa rin kami rito. Pagkatapos kong kumuha ng isang slice ng pizza ay bumalik na 'ko sa upuan ko, kung saan ay katabi ko si Giselle. Na mukhang may ichichika na naman sa akin dahil sa klase ng tingin niya sa akin.
"Oh, ano na naman? Pagbigyan mo naman si Ma'am Bernadette ngayon, birthday niya. No chismis muna sa kanya." Sabi ko sa kanya at tumawa siya.
"Sira, hindi naman siya, ano. Si Mr. SVP." Nguso niya kaya tumingin ako sa nginunguso niya.
Isang workmate namin, nakatingin sa gawi namin, nakangiti. Si Sir Theo, ang aming Senior Vice President dito sa pinagtatrabahuan kong bangko.
Nginitihan ko lang din siya at kumaway siya kaya kinawayan ko rin siya mula rito sa cubicle ko at hanggang doon sa kanya. Bumalik ang tingin ko kay Giselle nang tumikhim siya, at heto, naglalaro na naman ang kalokohan sa isipan niya sa paraan ng pagngisi niya.
"Oh, ano na naman ba?" Tanong ko bago kumagat ulit sa pizza.
"Sigurado ka bang hindi ka nililigawan ni Sir Theo?" Tanong niya at umiling ako.
"Baliw, hindi ah. Baka ikaw diyan."
Sumandal siya sa sandalan ng swivel chair niya at napapikit habang ngumunguya. "Hay, sana. Pero hindi eh! Umamin ka na, girl!"
Muling bumalik ang tingin ko kay Sir Theo, ayun, kausap ang ilang katrabaho namin. Nakikita at naririnig ko rin ang pagtawa niya dahil siguro sa kalokohan na naman na sinasabi ni Sir Clint sa kanya.
Natatawa na lang ako habang pailing-iling. "Ma'am, ubusin na lang natin itong kinakain natin para makauwi na." Sabi ko sa kasama ko habang inilalagay na ang mga gamit ko sa bago ko para kapag natapos akong kumain, diretsong uwi na agad.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...