Alas 10 pasado na ng gabi pero nandito pa rin si Lean sa bahay. Ayun, nandoon sa kwarto ko kung nasaan si Addie, natutulog. Tulog na nga si Addie, pero nandito pa rin siya. Ewan ko ba kung may balak siyang dito matulog. O baka nga nakatulog na rin siya sa tabi ng anak namin.
Ininom ko ang natitirang gatas sa baso ko, at napatingin kay tingin na naririto sa harapan ko. Hanggang sa magsalita ako.
"Matulog ka na, Nerine. May pasok ka pa bukas. Okay lang ako." Sabi ko sa kanya pero umiling siya.
"Hindi pa rin naman ako inaantok, Ate. Tsaka gusto kitang samahan dito."
Alam niyang hindi ako papasok doon sa kwarto dahil nandoon si Lean. Alam niyang maghihintay ako rito hanggang sa lumabas si Lean. O kung hindi man, baka sa kwarto niya ako makitulog muna.
Bigla ko namang naalala 'yong reaksyon ni Lean kani-kanina lang nang sabihin kong anak niya si Addie hanggang sa siya ang magsabi kay Addie na siya ang tatay nito. Napaka.. Napaka-priceless, umiiyak siya sa sobrang saya. At oo, hindi ko rin napigilan ang umiyak kanina. Siguro ay dahil sa anak ko, sa anak ko na palaging tinatanong sa akin kung sino ang tatay niya.
Si Lean ang ama ni Addie, sino pa ba? Sa kanya ko lang naman ibinigay ang lahat-lahat sa akin. Ewan ko na sa kanya kung maniniwala siya roon o sa sinabi kong sa kung sino-sinong lalaki lang ako nagpabuntis.
At ngayong nagkaalaman na, alam niya na, hindi ibig sabihin na okay na ang lahat. Kung gugustuhin niyang ituring siyang ama ni Addie, handa akong maging pormal sa pakikitungo sa kanya. Para kay Addie, at hanggang doon lang iyon. Para sa anak namin.
Pero kung ayaw naman niya, mas okay sa akin iyon. Kaya ko naman at kung tutuusin, mas gusto ko iyon. Dahil sa totoo lang, wala naman talaga sana akong balak na sabihin sa kanya ang tungkol kay Addie. Masyado lang naging maliit ang mundo namin kaya napunta sa puntong ito.
Ilang saglit ay nakarinig kami ni Nerine ng pagbukas ng pinto, hanggang sa bumungad sa amin si Lean. Mugto ang mga mata niya at dahil ito sa pag-iyak niya. Nang magkasalubong ang mga mata namin, agad akong umiwas. At si Nerine naman, nagpaalam muna na iiwan kami. Si Lean naman ang sunod na tumabi sa akin.
Diretso lang ang tingin ko sa basong hawak-hawak ko, hinihintay ko siyang magsalita kung may sasabihin man siya. Dahil kung may sasabihin man siya, sabihin niya na dahil gusto ko nang tabihan ang anak ko sa pagtulog.
"Thank you, Avianna."
Mas mabuti na lang palang hindi na siya nagsalita. Mas mabuting tumahimik na lang siya't umalis na dahil ngayon, ramdam ko ang pagsakit ng lalamunan ko na dala ng kirot na hindi ko malaman kung ano.
Thank you? Thank you saan? Thank you dahil nabuntis niya ako? Thank you sa sex? Thank you dahil ibinigay ko ang sarili ko sa kanya at hinayaang iwan ako?
Hindi magandang pakinggan ang pasasalamat niya sa akin. Iba ang dating sa akin. Nakakainsulto, naiinsulto ako. Nasasaktan ako, nasasaktan na naman ako. Kasi kung matutuwa ako sa pasasalamat niya ngayon, parang hahayaan ko ulit siyang wasakin ako.
Ayaw ko siyang sigawan kahit gustong-gusto ko na ngayon kaya tumayo na ako. Walang paalam at sinabing salita na iniwan siya rito sa kusina. Hindi ko na inabala pang siguraduhing uuwi na rin siya.
Kinabukasan, hindi na ako nagulat nang makita ko siyang naririto na sa bahay, dito sa labas. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, siya ang bumungad sa akin dito. Kaunti na lang, isipin kong dito siya natulog sa labas kung hindi ko lang nakabisado 'yong suot niya kagabi. Iba na 'yong suot niya. Itim na shirt at cargo shorts ang suot, naka-tsinelas siya.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...