"Lungkot ako kasi 'di muna si Teacher Mika ang teacher namin. Iba muna, kasi aalis siya." Malungkot na sabi ng bata sa amin ni Nerine at syempre, si Nerine lang ang nag-react.
"Hala, totoo? Aww, nakakalungkot nga."
Ewan ko ba kung totoong lungkot 'yong nararamdaman ng babaeng ito, o sinasabayan lang ang lungkot ng bata. Pero nang makapasok na ulit ako sa kwarto ko para ayusin na ang sarili ko para sa trabaho, pumasok si Nerine.
"Ate, aalis daw pala si Teacher Mika, may seminar ata. Two weeks mawawala." Sabi niya at kumunot ang noo ko.
"Oh, ano naman?"
"Ahm, wala lang." Mapang-asar na tono ni Nerine.
Alam ko ang tumatakbo sa isipan ng babaitang ito, pero wala akong balak buksan at baka hindi ako tigilan. Aasarin nang aasarin ako ng babaeng ito. Teka, ayun naman na, 'di ba? Hindi na natigil ang pang-aasar mg babaeng ito sa akin simula noong si Lean, nandito sa barangay namin. Taga rito na siya!
Ewan ko ba sa lalaking iyon pero naiirita ako sa tuwing nakikita ko siya. Oo, madalas ko siyang makasalubong sa tuwing umuuwi ako nang hapon dahil syempre, magka-barangay kami! Pero sa tingin ko, sinasadya nun na tignan ako. Sigurado ako roon!
Naiirita ako sa presensya niya, lalo na't madalas din ay palaging nandito sa labas ng gate dahil sa naglalaro sila ni Addie. Bata talaga ang kalaro niya at nakakatawang nakikipaglaro naman ang lalaking iyon sa batang nandito! Wala sigurong magawa. Wala ba 'yong trabaho?
Nagpaalam na ako kay Nerine na mauuna nang umalis. Siya ang maghahatid kay Addie sa center. Hindi ko nadatnan ang batang kanina lang ay nandito na sa sala at handa nang pumasok. Pero paglabas ko, heto, nakikita ko siya ngayon na kausap si Leandro Adair Esguerra na naririto na naman sa tapat ng gate.
Nakikita ko ang ngiti niya habang nakikipag-usap sa bata at ganoon din naman kung tumawa ang bata habang nagkukwento ng kung ano-ano. At nang mapansin niya ako, tumuwid siya ng tayo at ganoon din naman ako kung tumindig. Hindi pa rin nawala ang ngiti niya.
"Ate, bakit 'di mo ako hatid?" Tanong ng bata kaya napatingin ako rito.
Wala sana akong balak sagutin pero dahil kasama namin si Lean, sumagot ako.
"Si Ate Nerine mo na ang maghahatid sa'yo. Ang dami kasing ginagawa roon sa bangko, kailangan maaga. Alam mo na, bilang financial analyst, ang daming nire-review na statements at ino-audit. Kaya aalis na ako, sayang pa naman kung 'di ko ma-maintain ang pagiging best employee of the month ko." Sagot ko at bumalik ulit ang tingin ko sa lalaking naririto sa tapat ng pamamahay ko.
Nakatingin siya sa bata at kita ko ang pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi. Napairap ako at nagsimula na ulit maglakad. Tumabi si Lean sa dinadaanan ko. Aba, dapat lang dahil ire-report ko siya sa barangay dahil sa ano.. trespassing o pwede ring blocking my driveway kahit wala naman akong sasakyan. O kaya naman, naiirita sa presensya niya, acceptable naman siguro iyon.
Alas 5 ng hapon nang makauwi ako mula sa trabaho. Nag-text naman sa akin si Nerine matatagalan siya ng uwi dahil sa thesis nila at nag-okay naman ako. Pumara ako sa taxi nang matapatan na ang bahay, nagbayad ako bago bumaba.
Maaga ang uwi ko ngayon, walang overtime dahil natatapos namin ang trabaho namin nang mas maaga kaysa sa expected time. Ayun nga lang, ang sakit sa mga mata 'yong pagtutok sa PC. Idagdag mo pa 'yong sakit sa ulo sa pagre-review ng financial statements.
"Si Ate Avi, bait siya sa akin. Bili niya nga ako gummy bears kahapon."
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng bahay nang mapatigil ako dahil narinig ko ang katagang iyan mula sa bata. Sino naman ang kinakausap nito? 'Yung lapis niya? O 'yong mga drawing niya? Hanggang sa manlaki ang mga mata ko nang maisip ko ang posibilidad kung sino. At nang tuluyan na akong nakapasok, tama nga ako. Si Leandro, nandito sa loob ng pamamahay ko.

BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...