17

340 9 1
                                    

"Are you nervous?"

Napalingon ako nang itanong sa akin ni Lean ang tanong na iyan. Agad akong umiling para itanggi ang tinatanong niya.

"Hindi ah." Sagot ko.

"Then why your hands are sweating?"

Napatingin ako sa kamay kong hawak niya, naka-intertwine ang kamay ko sa kanya. Gustuhin ko man tanggalin pero hindi ko ginawa.

"Hindi ah. Pasmado lang ako, 'no." Pagrason ko pa.

"Don't be nervous, mga tao rin sila. At mababait 'yong dalawa kong Lola." Sabi niya sa akin at imbes na tanggalin sana ang hawak niya sa akin dahil sa namamasa kong palad, hinigpitan niya pa ang hawak sa akin.

Nandito na kami ngayon sa Pasig, taga Pasig pala siya. Ito, nakasakay na sa taxi patungo sa kung saan man nakatirik ang bahay na sinasabi niya kung saan siya lumaki kasama ang mga Lola niya, mother side. Kinakabahan nga ako dahil una ay itong pagsama ko sa kanya nang walang kaalam-alam sina Tito at pangalawa ay 'yong pagpapakilala niya sa akin sa pamilya niya. Oo, tama siya, nininerbyos nga 'ko.

23rd of December, araw na ipinaalam ko kay Tito na siyang alis ko. At ang alam nila, kay Rachel ang punta ko. Nadamay ko pa si Rachel, sinabi ko ang tungkol dito sa kanya na sakayan niya ang palusot kong ito. Na kunwari ay nag-aaya siyang sa kanila kami magpa-Pasko dahil malaking celebration ang gagawin nila, kasama sina Lesly at Elysa. Sumakay naman siya, at um-oo at alam niyang si Lean ang kasama ko ngayon.

Hanggang 26 ang pagkawala ko sa bahay, pero uuwi rin ako sa bahay sa araw na iyon. Pero ang ipinagtataka ko, paanong pumayag si Tito na mawala ako sa bahay nang ilang araw? Ewan ko kung matutuwa ba akong napaniwala ko sina Tito sa palusot ko o magi-guilty ako sa ginawa kong 'to. Dahil sa totoo lang, masaya pa si Tito kanina bago pa ako umalis. Sinabihan pa nga akong mag-enjoy ako sa pagdiwang ng Pasko kasama ang mga kaibigan ko.

Si Lean ang gumawa ng rason na 'to, siya ang nakaisip. Seryoso pala siya noong sinabi niyang isasama niya 'ko rito sa kanila, na gusto niyang i-celebrate ang Pasko kasama ako. Sinama niya talaga ako ah.

Noong una, nagdalawang-isip ako. Pero may parte rin na gusto kong sumama sa kanya, na mag-Pasko na kasama siya. Sana lang na huwag masita ni Tito, na sana ay hindi siya kutuban o makaramdam ng pagsisinungaling ko tungkol dito. 'Di bale, magba-bagong taon naman ako roon sa amin.

Sumandal ako sa balikat niya at tumingala sa kanya. "Talaga lang ha. Nahihiya na 'ko ngayon pa lang, e."

"Huwag ka ngang mahiya." Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Bakit? Pinakilala mo rin ba 'yong mga ex mo sa kanila?" Pagtanong ko at tumawa siya roon. "No hard feelings, nagtatanong lang."

"Well, no. Ikaw ang una." Sagot niya at mas lalo akong nakaramdam ng kaba at kilig at the same time.

So ako pala ang una niyang ipapakilala sa mga Lola niya? Ang yabang ko naman, ang haba ng hair ko!

"Maniniwala ba ako?" Pagbibiro ko sa kanya kahit naniniwala naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Mukha ba talaga akong loko-loko sa'yo?"

Ako naman ang natawa sa sinabi niya. Bumitaw ako sa hawak niya sa aking kamay para ipulipot ang mga braso ko sa beywang niya. Nakayakap ako ngayon sa kanya at ipinatong naman niya ang isang braso niya sa balikat ko.

At isa lang ang masasabi ko, sobrang sarap pala sa pakiramdam na mayakap siya nang ganito. At hindi ako bibitiw kung makita ko mang sumilip ang taxi driver sa kalandian ko. First time lang ako maging clingy kaya lulubusin ko na ngayong kasama ko siya at malayo kami sa mga nakakakilala sa'min.

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon