Sem break na, ito na nga ang simula ng pamamahinga. At araw kung saan ay sinisimulan na akong kabahan. Aba, bakit naman hindi? One of these days, isa-isa nang magsisilabasan ang grades namin, at result kung tutuloy ba ako sa second sem nang matiwasay o magiging irregular.
Kinakabahan ako pero agad-agad namang humuhupa kapag naiisip ko ang sinabi sa akin ni Lean sa akin na kailangan kong maging positive. At ang isa pa niyang sinabi ay naniniwala siyang pasado ako sa lahat at maitutuloy ko ito.
Sana nga, at sobrang laking tulong ang lagi niyang pagpapaalala sa akin tungkol sa mga bagay na ito. Oh, sige na, pa-humble pa ako. Medyo kampante rin ako dahil ibinigay ko talaga ang buhay ko sa pagte-take ng mga exam. At kakaunti lang ang mali ko, sure ako. Napakayabang naman!
Pero kahit na, kailangan ko pa ring magdasal na sana ay makapasa sa lahat. Para naman hindi ulit ma-disappoint sina Tito.
Unang araw ng bakasyon at nandito na ako sa Rizal, saan pa ba ako uuwi sa tuwing may mahaba-habang bakasyon? Ito, dito, kung saan ako lumaki.
Abala ako sa pagdidilig nang maalala ko na naman ang mga nangyari, lalo na noong nalaman na kung sino itong naninira sa akin sa lahat. Si Anaia.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung paano niya iyon nagawa sa akin. Kung bakit ay ako, ano ang nagawa ko sa kanya? Sabi ko, kapag nalaman ko kung sino ang gumagawa nitong mga paninira sa akin, pakikinggan ko ang rason ng taong iyon.
At oo nga, nalaman ko ang rason. Alam niyo ba kung ano ang sinabi ni Anaia sa akin? Na ako raw ang dahilan kung bakit sila nag-break ng boyfriend niya. Shet, ano ang ginawa ko? Bakit ako?
Noong sinabi niya iyan, naguluhan talaga ako. Alam mo 'yong alam mong wala kang ginagawa rito, nananahimik ka lang, tapos ikaw ang sisihin sa nangyari? Sa nangyaring hindi mo alam na nangyari? Bakit ako ang sinisisi niya kung bakit sila nag-break ng boyfriend niya, ni hindi ko nga kilala kung sino 'yong tinutukoy niya.
Napailing-iling ako at itinuon na lang ulit ang atensyon ko sa pagdidilig. Basta ang importante ngayon, malinis na ang pangalan ko. Sana. At isa pa, alam na rin nina Tito ang tungkol dito. Si Tita nga, balak pang puntahan si Anaia para pagsalitaan tungkol sa paninira sa akin pero pinipigilan siya ni Tito, knowing na si Tita Mina ay parang tindera kung makipag-away! Haha!
"Wow, Ate Avi! Mukhang mas masaya ka pa kaysa sa mga halaman, ah."
Napalingon ako sa nagsalita, si Nerine. Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "Aba, kailangan! Para naman mahawa sila sa napakaganda kong smile." Sabi ko at tumawa rin siya.
8 AM na ng umaga, ito, nandito sa munting garden ni Tita Mina para magdilig. Dating gawi kapag bakasyon, sa umaga, gigising nang maaga para samahan si Tita Mina sa paghahanda ng almusal, at pagkatapos naman magligpit ay magdidilig ako maglalaba. Tapos kung maisipan naman sa hapon ay gagala kami ni Nerine sa bayan para pumasyal o bumili ng kung ano-anong kakailanganin sa bahay na utos ni Tita. Ganoon lang.
"Nga pala, Ate, BSA ka pa ring ba next sem?" Tanong niya nang malapitan ko na siya.
"Praying tayo riyan. Sana." Sagot ko sa kanya. "Nga pala, Senior High School ka na next year! Ano ang kukunin mong strand?" Pagtanong ko naman sa kanya kaya napaisip siya.
"Sa totoo lang, Ate, hindi ko pa nga alam, e."
Sabagay, may ilang buwan pa para pag-isipan niya.
"Saan ka ba magaling? Ano ba ang gusto mong gawin?" Mga tanong ko sa kanya at tinabihan siya rito sa medyo mahabang upuan na kahoy.

BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...