"Lean, what is accounting?" Tanong ko sa kanya at narinig ko ang pagtawa niya. Bahagyang umangat ang ulo ko para tignan ang mukha niya. "Oh, bakit ka tumatawa? Ano nga? What is accounting?" Pag-uulit ko ng tanong ko sa kanya.
Binalik niya ang ulo ko sa pagkakaunan ko sa braso niya, at sumagot. "Para kang engot, tulog na tayo. I love you, my Avianna." Sabi niya pero ayaw sumunod ng utak ko. Ayaw ko pang matulog!
Alas 11 na ng gabi, gising na gising pa rin kaming dalawa. Ay, ako lang pala. Alam kong antok na antok na siya pero pinipilit niya pa ring manatiling gising dahil sa gising pa rin ako at wala pang balak matulog. Paano ba ako makakatulog? Eh, halos maghapon akong tulog dito. Ayun lang ang ginagawa ko rito sa bahay sa tuwing naiiwan akong mag-isa. Tulog sa buong maghapon, gising naman ngayong gabi.
Nang hindi ako mapakali sa pwesto ko sa paghiga ay umayos ako. Mula sa dibdib niya ang nakikita ko ay tumaas ako para mukha niya ang katapat ko. Nakapikit na siya ngayon, pero alam ko naman na hindi pa siya tulog. Nanatili ang braso niya sa beywang ko at nakayakap din naman ako sa hubad niyang katawan. Half lang, dahil ako mismo ang nagsusuot ng shirt niya. Dahil gusto ko, ewan ko rin.
"Matutulog ka na ba, Yanyan?" Tanong ko pa dahil kung sakaling oo ang sagot niya, wala nang sasagot sa mga naiisip ko ngayon. Ni hindi na nga ako sinasagot ng lalaking ito at puro matulog na ang sinasabi. Paano ba naman kasi, kanina ko pa siya dinadaldal? "Sige na, tulog ka na. Pagod ka sa work mo."
Nagulat ako nang bigla siyang nagmulat ng mga mata at saktong sinalubong ang akin. "Nope, hindi pa. Hindi ka pa inaantok, e. Baka kasi may kailanganin ka, my love." Sagot niya habang nakatitig sa akin.
Napangiti ako, hanggang sa humagikgik. Sumubsob ako sa leeg niya. "Kainis, pinapakilig mo ako sa endearment na 'yan. Labyu." Bulong ko sa kanya at narinig ko ulit ang pagtawa niya.
Sa gigil ko ay nakagat ko siya sa bandang leeg niya. Umungol lang siya pero hindi naman nagreklamo. Talagang huwag siyang magrereklamo sa buntis niyang asawa at siya ang pinaglilihian. Oo, kay Lean ako naglilihi. Ewan ko ba, madalas ko siyang mapagtripan at palaging gustong lambingin. Gusto ko, sa tuwing uuwi siya rito mula sa trabaho, nakadikit na siya sa akin agad. Gusto kong laging nakayakap sa kanya. Madalas nga, kapag nasa trabaho siya at naiiwan ako rito sa bahay, umiiyak ako dahil nami-miss ko siya. Kahit umuuwi naman siya nang hapon.
4 months na itong dinadala ko, hindi pa ganoon kalaki pero unti-unti nang nahahalata. Unti-unti na rin akong nabibigatan kaya madalas ay tinatamad akong bumangon. Nagtatrabaho pa rin ako pero iba ngayon, dito ako sa bahay nagtatrabaho. Trabahong bangko pa rin, trabahong CPA. Si Lean ang nag-suggest sa akin nito. Noong una, tumanggi ako, sinabing kaya ko pa naman at kung 7 months na lang ako mag-leave pero tumanggi rin siya.
Eh, gusto pa nga niyang huwag na akong magtrabaho muna, na paagahin ang maternity leave ko, pero ito ang naging desisyon naming dalawa. Wala namang pinagkaiba ang trabaho ko dahil may access ako ng mga gawain sa bangko. At hindi naman ganoon kabigat at karami para mapagod ako. Mabuti palang nag-work from home na ako, dahil madalas akong tamarin. Kaya ang ending, si Lean ang gumagawa ng mga hindi ko natapos. Tulad kanina.
Kaya nandito lang ako sa bahay, minsan lang lumalabas kapag may kasama. Ang istrikto ni Lean sa akin, kainis. Ayaw niyang lumalabas ako at nagpupunta kung saan-saan kung hindi niya alam at kung wala akong kasama! Ni kahit si Addie o si Nerine na kasama ko, ayaw niya. Gusto niya, siya. Siya lang.
Pasalamat siya at sa kanya ako naglilihi, dahil kung hindi, baka sa sahig siya natutulog ngayon.
Umangat ulit ang ulo ko para tignan siya. Dinampi ko ang mga daliri ko sa pisngi niya at sa lips niya, muli siyang nagmulat ng kanyang mga mata. Ngumiti ako at nakipagtitigan sa kanya, hanggang sa lumapit ako para halikan siya sa lips niya na agad naman niyang tinugon.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...