"Next week na pala birthday niya."
Napatigil ako sa pagtatapik sa binti ng anak ko nang sabihin iyon ni Lean. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Oo nga, e. Five years old na siya, lapit na." Sabi ko naman sa kanya at napangiti rin siya.
Hindi naman na ako magtataka kung paanong nalaman niyang birthday na ni Addie next week. Malamang ay nagpa-plug si Addie sa kanya. At oo nga, birthday na pala ni Addie sa susunod na linggo. Isa na namang taon ang dadagdag sa kanya. Lumalaki na ang baby ko.
Iniisip ko kung itutuloy ko 'yong iniisip kong gawin nang bongga 'yong birthday celebration niya. Hindi naman ganoon ka-bongga. Ang ibig kong sabihin, 'yong iimbitahan ko 'yong mga kalaro niya, mga kapit-bahay namin. Pati mga ilang katrabaho ko, tapos simpleng salo-salo lang dito sa bahay.
Ni minsan kasi, hindi ko nabigyan ng celebration si Addie. Well, mayroong celebration kaso laging kaming tatlo lang ni Nerine ang nagsasalo-salo sa mesa, kumakain at aminado kong hindi ako masaya sa tuwing birthday niya.
Naalala ko nga last year, pinipilit niya akong magpunta kami ng MOA dahil gusto niya raw mag-mall. Ganoon daw kasi ang ginagawa ni Aling Pepay kapag birthday ng kalaro niyang si Junnie at kung sino pang kalaro niya. Pinapasyal sa mall, sa magandang lugar at pinapakain nang masasarap. Pero syempre, hindi ako pumayag. Ang tigas kaya ng puso ko sa panahon na iyon.
At hindi ko na hahayaang mangyari ulit iyon. Kaya babawi ako, babawi talaga ako sa lahat ng naging pagkukulang ko kay Addie. Sisiguraduhin kong pinakamasaya ang birthday niya ngayong taon.
Pasado alas 9 na ng gabi, nandito na kami sa kwarto, papatulog na. Pero sa ngayong sandali, si Addie ang natutulog sa gitna namin ni Lean. Kami ni Lean, gising pa habang pinapanood ang anak naming mukhang nilalamon na ng magandang panaginip dahil sa himbing ng tulog. Dito na naman magpapalipas ng gabi si Lean, sanay na rin naman ako. At hindi ko na kinukwestyon.
"Aleana Denise.." Narinig kong sabi niya at kita ko kung paano niya dampian ng halik si Addie sa tuktok ng ulo nito, at tumingin ulit sa akin. "Saan mo nakuha 'yong name niya?" Tanong niya sa akin.
"Parang hindi alam ah." Pabirong sagot ko at mahina siyang natawa.
Parang hindi naman niya alam, parang hindi naman obvious para hindi niya malaman. Saan pa ba? Sa kanya.
"Creative ka pala mag-isip ng pangalan, kayang pag-isahin ang pangalan ng dalawang tao."
Oh, 'di ba? Alam niya. Siya pa ba? Eh, ang talino niya. Pero teka, creative? Hindi ko alam kung tatanggi ba ako dahil hindi naman naging mahirap para sa akin na pag-isahin ang pangalan ko at pangalan niya. Oo, pinaghalo ko ang mga pangalan naming dalawa ni Lean. Aleana.
"Saan naman galing 'yong Denise?" Tanong niya pa sa akin at bumalik ang tingin ko kay Addie.
"Napulot ko lang kung saan-saan. Para sosyal pakinggan." Ako naman ang sunod na natawa sa sinagot ko.
Sa akin nakaharap si Addie, sa akin nakayakap. Napapangiti na lang ako dahil sa lalim ng paghinga niya habang natutulog, halatang pagod dahil sa pakikipaglaro sa mga kaibigan niyang mga kapit-bahay namin.
Ilang saglit ay natahimik kami ni Lean, bigla naman akong nailang. Hindi man ako nakatingin sa kanya ngayon ay ramdam kong nasa akin ang mga maga niya. Pinakiramdaman ko kung matutulog na rin ba siya, pero nagsalita siya.
"Kanina, may tinanong sa akin si Addie."
Bumalik na naman ang tingin ko sa kanya, tama nga ako, sa akin siya nakatingin. "Ano?"

BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...