"Ate, huwag kang mag-alala. Mas maganda ka talaga kaysa kay Teacher Mika."
Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang sabihin na naman ni Nerine ang linyang pang-motivate niya sa akin. Pero sige na nga, aaminin ko, nagpapauto naman ako sa sinasabi niya.
"Wala pa akong bonus." Sabi ko sa kanya at tumawa siya.
"Grabe ka naman, Ate Avi! Hindi nga kita binobola, true ito. Mas maganda ka."
Ang daming laman ng utak ko ngayon. 'Yung dapat ay trabaho ang iniisip ko, dumagdag ang mga pangyayari noong nakaraang mga araw. Noong nakita at nakaharap ko ulit siya. Hindi lang ako makapaniwalang nakita ko ulit siya.
'Yung inakala namin ni Nerine na baka may anak siya roon sa daycare center na hinahatid-sundo, mali. Hindi pala anak ang hinahatid-sundo, kundi isang teacher. At ayun ay ang adviser ni Addie. Sa dinami-dami, sa lawak ng Manila, doon pa talaga?
At hindi lang iyon, girlfriend niya 'yong adviser ni Addie. Girlfriend. At ito ang pinaka-umaagaw ng atensyon ko ngayon.
Pero bakit? Bakit ko nga pala iniisip ito? Ano naman kung makita ko ulit siya? Ano naman kung girlfriend niya 'yong adviser ni Addie?
Pero wala eh, mas nagkaroon tuloy ng rason para ma-insecure ako adviser ni Addie. 'Yung klase ng insecurity na hindi ko nararamdaman dahil sa tingin ko ay nalalamangan niya ako, kundi iniisip ko kung.. kung paanong nagustuhan siya ni Lean.
Teka, katanong-tanong pa ba iyon? Hindi ko na dapat malaman pa, sino ba ako?
"Tsaka duh? May lahing foreigner ka rin kaya, Australian ang tatay mo, Ate!" Sabi pa ni Nerine at nagpatuloy ako sa pagsusuklay.
Araw ng Linggo, nandito kami sa bahay dahil walang pasok ang lahat. Pero buong weekend na yata, pagkukwentuhan ang inatupag namin ni Nerine. Tungkol sa adviser ni Addie, tungkol kay Lean, at tungkol sa akin.
"Pero grabe pala, Ate. Ang pogi pala ng ex mo. Lume-level kay Mr. SVP ninyo. Iba talaga ang mga nagkakagusto sa'yo, mga CPA!"
Napailing-iling ako sa sinabi ni Nerine. Nakakatawa dahil noong isang araw na siya ang naghatid kay Addie sa center, umuwi siyang gulat na gulat at dahil siguro nakita niya rin 'yong lalaking iyon. Nakakatawa dahil bago siya umalis, ang tapang niyang sinabing humanda si Lean kapag nakita niya dahil susumbatan niya pero umuwi siyang nanlalaki ang mga mata.
At ako? Hindi na ako babalik doon! At ngayon, binabalak kong alisin si Addie roon sa center kasi ayaw kong nakikita niya ang lalaking iyon. Basta, ayaw ko. Tsaka baka pati si Lean ay maging kaibigan ng bata, at kung ano pa ang malaman.
"Yuck, Nerine. Huwag mo ngang itulad iyon kay Sir Theo." Tanggi ko naman sa sinabi niya.
Magkaiba si Sir Theo at ang Leandro na iyon. Si Sir Theo, may paninindigan at hindi takot sa commitment. Eh si Lean, takot, scared siya kasi duwag siya! At manloloko.
Bigla ko na namang naalala ang hitsura niya, teka, nakalimutan ko ba? Pero sa saglit na nakita ko ulit siya, bakit parang walang nagbago sa hitsura niya? Pero bigla ko na namang naisip, may girlfriend na pala siya.
Malamang, mas magtaka ka kung wala, Avi.
"So ano? Okay lang ba na girlfriend ng ex mo ang adviser ni Addie, Ate?"
Natawa ako. "Aba, oo naman! So what? At tsaka wala namang problema roon, ano. Labas na kung ano ang nakaraan. So what?"
Sunod naman na tumawa si Nerine. "Naka-ilang so what ka, Ate. Pero sabi mo 'yan ah. Kasi ang naririnig ko kay Addie kagabi sa kwento niya, friend niya na rin 'yong syota ng Teacher Mika niya. At tinatanong-tanong daw siya ni Sir Lean mo."
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...