27

424 12 5
                                    

Hindi ko siya mapigilan, kahit gusto ko. Hindi ko siya mapagbawalan, kahit naiilang ako. Bakit ba kasi itong kundisyon na ito ang hiniling niya sa akin? Pangalawang araw pa lang, hindi ko na kaya. Parang mali.

Napalingon ako ulit sa kanila mula rito sa kusinang kinaroroonan ko, ayun, patawa-tawa pa rin sila. Mukhang may pinagkakatuwaan sa pinag-uusapan nila. Iniisip ko pa rin kung bakit ito ang gusto ni Lean na kapalit.

Ito, itong hayaan ko lang daw siyang makalaro niya ang anak ko. Ayan ang hiling niya sa akin noong gabing nalaman ko na siya ang blood donor ni Addie at personal ko siyang pinuntahan para magpasalamat. At para tanungin kung ano ang gusto niyang kapalit.

Maling sinabi ko sa kanya na sabihin niya lang sa akin ang gusto niyang kapalit dahil ayaw ko itong nangyayari ngayon! Ayaw kong naririto siya sa bahay ko at ayaw kong lumalapit ang loob ni Addie sa kanya. Dapat, ako eh. Ako dapat 'yong kalaro ng anak ko.

So ano? Oh, sige, hahayaan ko lang siyang puntahan ang anak ko rito para makipaglaro. Ganoon 'yong gusto niya? Seryoso ba ito? Kasi iniisip ko, parang tini-take advantage niya ito dahil.. dahil sa akin. Para makita ako. Hala, assuming ba 'ko?

Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa niluluto kong adobo. Malapit nang mag-tanghalian pero bakit nandito pa ang lalaking ito sa pamamahay ko? May balak pa ba itong makikain dito? Okay lang sana, ayun ay kung wala ako rito. Ni presensya niya pa lang, naiirita na ako na naiilang, makasabay pa siya sa pagkain?

"Mama, gutom na 'ko."

Napatingin ako muli nang sabihin iyon ni Addie, at pareho silang nakatingin sa akin ni Lean. Mukhang wala talagang balak umalis. Gustuhin ko mang palayasin pero ang hirap, may utang ako sa kanya.

"Oo, malapit na ito matapos." Malambing kong sagot pero nang tignan ko si Lean, napairap ako.

Sana naman ramdam niyang hindi ko balak pakainin siya rito. Pero wala, dahil si Addie mismo ang nag-alok sa kanya. At si Lean naman ay sumunod sa bata, kaya wala na akong nagawa. Ayaw ko rin namang maging bastos sa harapan ng anak ko.

"Hmm, sarap! Sarap luto Mama ko, Tito Lean!" Masiglang sabi ni Addie at pilit na lang ang ngiti ko dahil ramdam ko ang tingin ng lalaking nasa tapat ko.

Araw ng Linggo, walang pasok. Pero wala ngayon dito si Nerine, nandoon sa ospital kung saan naroon si Ate Ashley. Tumawag kasi si Ate Ashley kanina na itinakbo na siya sa ospital para sa pagli-labor niya. Manganganak na siya.

Ilang araw na rin ang lumipas matapos nung pananatili namin sa ospital dahil kay Addie na na-dengue. Ngayon, okay naman na siya. Bumalik na 'yong sigla niya, kaso pansin ko na namamayat. Kaya binilhan ko siya ng vitamins at pinapakain ko ng mga masusustansya.

"Kain ka ng patatas." Sabi ko at nilagyan 'yong plato niya nito.

"Thank you, Mama ko."

Ewan ko ba, gustong-gusto kong sumagot sa kanya ng "You're welcome, anak" pero nagiging pipi ako ngayon. Dahil sa hindi ko masabi sa harapan ni Lean. Nahihiya ako sa kanya kahit alam niya naman nang anak ko si Addie. Lalo na nung i-bring up niya sa usapan namin noong nakaraan na may nangyari sa amin kaya inakala niyang anak niya si Addie.

Lumingon ako kay Lean at mabuti'y nakatingin na siya sa kinakain niya, pero nakikita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. At bakit naman siya mukhang natatawa?

Hanggang maghapon at makarating si Nerine ay nandito pa rin si Lean. Ang tibay naman nito, ang kapal ng mukha. Alam atang naaasar akong nandito siya kaya mas ayaw umalis, e!

"Sunday is family day nga."

Narinig kong bulong ni Nerine sa akin na naririto na rin sa kusinang kinaroroonan ko. Umiwas ako ng tingin. Hanggang sa mapahinga na lang ako nang malalim nang magpaalam na si Lean, dito ako mas tinorete ni Nerine ng mga pang-aasar niya.

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon