13

360 13 1
                                    

"Ready ka na ba?"

Napatigil ako sa pagnguya at napatingin sa kanya. "Saan? Sa first day?" Tanong ko at tumango siya.

"Yeah. Saan pa ba?"

Napangiti ako, 'yong sobrang lawak na ngiti. "Syempre... Hindi." Sagot ko at medyo napatawa siya roon.

First day? Sino bang mae-excite sa first day of school? Siguro ay 'yong mga excited lang talaga, pero ako? Never akong na-excite sa first day. Naiirita nga ako eh, syempre, pasukan na naman. Umpisa na naman ng pagsakit ng ulo ko.

"Bakit naman?" Taas-kilay niyang tanong at mukha talaga siyang professor sa pag-asta niya. Nakakahiya naman sa akin na estudyanteng nanre-real talk talaga.

"Syempre, baka mas mahirap ang subjects." Pagmamaktol ko na kahit wala pa man din.

Pasukan na nga bukas, bukas. So nandito na ulit ako sa dorm, kanina lang ako nakauwi rito mula sa Rizal. At ang totoo niyan ay kasama ko si Lean sa pag-uwi rito sa dorm. Oo, kasama ko siya, nagkita na lang kami sa terminal papunta rito sa Quezon. Syempre, sa terminal na kami nagkita, kahit gustuhin niya pang sa bahay ako mismo sunduin.

Ewan ko nga rito kung ano ang naisipan niya't agad-agad na naisipang susunduin niya ako. Bukod sa gusto niya raw akong samahan sa mga dadalhin ko ay hindi naman daw siya busy. Medyo marami nga rin ang dala ko, mga bagong labang mga kasuotan at stocks ko rito. Mabuti nga at hindi na rin ako sinamahan ni Tita Mina o ni Nerine sa terminal.

Naalala ko naman bigla 'yong nangyari noong nakaraang araw, 'yong biglaang pagbisita niya roon sa amin. Akalain mo 'yon? Sinundan niya ako nang wala akong kaalam-alam para lang malaman kung taga saan ako. Tapos 'yong sinabi niya bago niya ako iwan, na miss niya raw ako.

Akala ko, tamang kilig lang noong sinabi niya sa akin iyon sa tawag, pero mas sobra pala 'yong kilig kapag personal. Pa-fall ang Sir niyo!

"Hindi pa nga nag-uumpisa, suko agad?" Sabi niya at ngumuso ako.

"Basta ah, turuan mo 'ko kapag nahihirapan ako. Tsaka huwag mo 'kong ibabagsak." Sabi ko at natawa siya ulit sa sinabi ko.

Prof ko siya sa dalawang subjects, thank God! Ewan ko ba kung coincidence pero mas malakas ang kutob kong nakipag-swap siya sa ibang professor na dapat ay prof ko talaga. Kasi kinuha niya 'yong sched ko, at sinakto 'yong sched niya sa sched ko. Pero ang nakakalungkot naman, hindi ko na kasama 'yong apat sa lahat. Bale si Rachel na lang sa lahat ng subjects ko, at sina Lesly at Elysa naman ay iilan lang kami magkakapareho. Mga dalawang subjects lang ata. Pero okay lang, talagang mangyayari naman talaga iyon, e.

"Tapos kapag may lumalagpak akong grades, kausapin mo kung sinoman ang prof ko roon." Sabi ko pa, medyo joke pero hindi rin.

Nagulat ako nang pisilin niya ang ilong ko kaya napa-ouch ako. "Boyfriend mo 'ko, oo, pero once na nasa school tayo, professor mo 'ko." Sabi niya at mas sumimangot ako.

"Talaga ba? So hindi ko pwedeng isipin na boyfriend kita kapag nasa school tayo?"

"No. What I mean, hindi ko gagawin ang isang bagay na alam kong hindi mabuti para sa'yo kahit boyfriend mo 'ko. At pwede ba, lagi kong sinasabi sa'yo. Stop doubting yourself, Avianna."

Ayan na naman, nangangaral na naman siya, pero syempre, pakikinggan ko siya. Dahil alam ko naman na tama siya, e. Ako lang naman itong nega lagi sa buhay.

"Last sem nga, nalampasan mo eh. Maniwala ka na kakayanin mo ulit."

Napangiti ako at tumango sa kanya. "Okay po, Sir Leandro Adair Esguerra." Sagot ko nang may pagbibiro sa tono, ngumisi siya.

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon