19

328 10 1
                                    

Ilang araw pagkatapos ng Christmas vacation. Ito, back to school na ulit. Nagsimula na naman ang mga hell days na hindi na tumitigil. Ilang araw na ang lumipas nang mag-back to school kami at naging sobrang busy na ulit dahil sa mga quizzes na isang bagsakan at isa pa, 'yong research na pinagpupuyatan naming lahat na BSA.

Araw ng Wednesday, hindi kami sabay ni Lean ngayon sa pagpasok. Nauna siya dahil may urgent meeting siya with our dean and department head kaya mag-isa lang ako ngayon na naglalakad patungong school. Nang makapasok ako sa school, at wala pa man ding tatlong hakbang ay nakuha ng atensyon ko 'yong mga estudyanteng nadatnan ko na tinitignan ako at para bang pinag-uusapan.

Hanggang sa makarating ako sa open field, naglalakad patungo sa classroom, wala yatang taong hindi napatingin sa akin. At gusto kong alamin kung bakit ay pinagtitinginan at pinagbubulong-bulungan na naman nila ako. Ano na naman ba ang issue?

Absent si Rachel, ewan ko ba kung bakit. Wala namang pasabi. Pero sana pala ay 'di na rin ako pumasok kung alam ko lang na wala siya dahil hindi ko rin naman kaklase sina Lesly at Elysa ngayon araw sa mga subjects na mayroon ako. Dahil hanggang dito sa classroom namin, sa buong klase, pinagtitinginan pa rin ako ng ilan at pinag-uusapan. Hindi ko man naririnig pero alam ko, nararamdaman ko.

Sumapit ang last subject, pero hanggang sa mag-time na, walang prof na dumating. Wala si Lean, nagtaka ako. Nasaan iyon? May meeting pa rin ba? Hindi man lang nagpasabi para naman nakauwi na sana kami nang maaga.

Nandito na ako ngayon sa gate, hinihintay siya. Pero hanggang dito ba naman sa gate, may pasulyap-sulyap sa aking mga estudyante. Puro babae, at sa aking pagkakatanda, ito rin 'yong mga babaeng tingin nang tingin sa akin sa tuwing may issue sa akin.

To: Yanyan ko

Nandito na 'ko sa gate, hinihintay ka. Busy ka pa ba?

Pag-text ko kay Lean at ilang saglit ay nag-reply siya.

From: Yanyan ko

Mauna ka na umuwi.

Hindi ko alam pero para akong nasaktan sa sinabi niya. Gusto ko na may karugtong pa 'yong sagot niya kung bakit..bakit kailangan kong maunang umuwi ngayon at parang ayaw niyang magpahintay? Kasi kung busy siya at sabihin niyang matatagalan pa siya, maghihintay pa rin ako para sa kanya.

Ramdam ko 'yong paggaspang ng lalamunan ko, at akmang maglalakad na nga papunta sa dorm nang mag-text siya.

From: Yanyan ko

Papunta na 'ko sa'yo.

Sabi niya kaya tumigil ako at bumalik dito sa pwesto ko para hintayin siya, at ilang saglit, naririto na siya sa labas. Hindi siya nakangiti, seryoso lang siya, nang makalapit siya sa akin, ako ang ngumiti nang malawak sa kanya.

"Tara na." Tanging sabi niya at nauna siyang naglakad.

Nakasunod lang ako rito sa kanyang likuran habang naglalakad kami pauwi sa dorm. Naglalaro na naman sa aking isipan kung bakit ay parang..parang may mali. Parang may problema. Parang may mangyayaring 'di ko alam.

Nakarating kami sa floor na kinaroroonan namin dito sa dorm, napasandal siya sa dingding na katabi ng pintuan ko. Tumabi naman ako sa kanya.

Hindi ako nagsalita, hindi. Pero hinihintay ko siyang siya ang maunang magsalita, na magsabi kung ano ang problema dahil base sa hitsura niya, mukhang may problema siya. At kung mayroon man, nandito ako para damayan siya at tulungan na nabigyan ng solusyon kung anoman iyon.

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon